Wednesday, October 24, 2012

AKBAYAN Party list sinuportahan


     Iba’t ibang sector mula sa lalawigan ng Quezon ang nagkaisa upang magbigay ng suporta sa Akbayan Party List.

      Kabilang dito ang Pambayang Ugnayan ng Mangingisda sa Gumaca (PUMASAG) at ang Samahan ng Kababaihang Magsasaka sa Tayabas (SAMAKATA).

      Bawat isa ay nagpahayag ng suporta sa Akbayan na siyang nagbigay tulong at serbisyo sa tulad nilang maralita o mahihirap.

      Ito ang kumalinga at nagbigay ng pag-asa at maging direksyon sa kanila upang magsikap paunlarin ang mga kabuhayan ng mga ordinaryong mamamayan.

     Dahil din sa party list na gaya ng Akbayan, naranasan ng iba’t ibang sector na mayroon silang kinatawan sa mababang kapulungan ng lehislatura, kung kaya naman suportado nila ang Akbayan sa pag-apela sa COMELEC upang huwag itong idiskwalipika.

    Kahapon nga ay nagsagawa ng isang press conference ang iba't ibang grupo ng mga batayang sektor sa lalawigan ng Quezon kasama ang ilang mga media upang ipahayag sa madla ang natanggap na tulong at serbisyo nito.


      Matatandaang mainit na naging usapan ang pagdi-diskwalipika sa Partidong Akbayan sa party list elections sa 2013.

No comments:

Post a Comment