Friday, October 12, 2012

NEWBORN SCREENING ACT PATULOY NA ADBOKASIYA NI LEGARDA


      Base sa ginawang pag-aaral at ulat ng University of the Philippines, National Institutes of Health at Newborn Screening Reference Center tumaas na ng 26.4% ang nasakop ng Newborn Screening.
Ang Newborn screening na kailangang gawin 1 araw o 3 araw matapos ipanganak ng sanggol, ay isang programang pangkalusugan para sa publiko kung saan layunin nitong malaman ang kalagayan o genetic o metabolic condition, na maaring magdala sa pagkakaroon ng severe mental retardation, cataract, anemia at maging pagkamatay kung hindi o magagamot.

       Ang mga bagong panganak ng mga mahihirap ng 5.2 million na pamilya, na napag-alaman  ng National Household Targeting System for Poverty Reduction,  ay libreng mapakikinabangan (newborn screening) ito ay bilang parte ng PhilHealth’s Newborn Care Package.
Hinimok ni Senator Loren Legarda ang lahat ng Ahensya ng Gobyerno, Health Institutions, mga Local Government Officials at mga Pribadong Sector na makiisa sa MDG o Millennium Development Goal Target ng United Nations sa child mortality o pagkamatay ng mga bata, kung saan sisiguraduhing 100% na magkakaroon ng Newborn Screeningn Coverage, sa pamamagitan ng Republic Act 9288 na lalong mas kilala sa tawag na “Newborn Screening Act of 2004”.

      Kung nagawa umanong umabot ng 15.6% noong taong 2007 hanggang 42% noong taong 2011 ay hindi umano malayong mabigyan ang mga bagong panganak na sanggol ng Newborn Screening sa ngayon.         
 
      Ayon pa kay Legarda na sya ring nag-akda ng naturang batas, sa ulat ng United Nations Development Programme report, bumaba ng nasa 60% ang pagkamatay o mortality rate sa nakalipas na labing anim (16) na taon mula sa 80 na patay noong 1990 hanggang sa 32 na pagkamatay kada 1,000 buhay na sanggol, noong 2006.
Sa nalalabing 3 taon hanggang sa deadline ng pagbawas ng bilang ng child mortality ng bansa, ang ating Gobyerno ay kailangan ang tulong at suporta ng lahat, upang maiwasan ang di inaasahang pagkamatay ng mga bata.

Kawalan umano ng kaalaman o impormasyon, ng mga ina na nanganganak sa bahay, ang isa sa mga dahilan kung bakit problema ang child mortality.


(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) SENATOR LOREN LEGARDA   www.lorenlegarda.com.ph

No comments:

Post a Comment