Wednesday, October 24, 2012

MISTER ARESTADO DAHIL SA PANANAKIT NG ASAWA


Dahil sa pananakit sa asawa, arestado ang isang lalaki matapos itong ireklamo sa himpilan ng pulis ng kanyang misis, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Domoit, Lucena City

Sa talaan ng Lucena PNP, personal na nagtungo sa kanila ang biktimang si Juvy Ann Jael y Dalisay, na isang personal consultant ng Camella Homes Quezon at residente ng Purok Sampaguita ng nabanggit na lugar dakong 4:20 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon sinabi ng biktima na habang siya ay namamahinga ay bigla na lamang hinigit ang kanyang buhok, at pisikal na sinaktan ng kanyang asawa na si Ferdinand Jael y De Romas.

Nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakas siya at agad na nagtungo sa police station, kung saan agad namang rumesponde ang kapulisan na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Sa ngayon ay nakakulong na sa temporary lock-up jail ng Lucena City Police Station ang suspek.

No comments:

Post a Comment