Patuloy ang proyekto at
aktibidad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. David Jay-jay Suarez. Sa
pagpasok pa lamang ng linggong ito ay ilang bayan na ang tinungo ng gobernador,
Aniya pinipilit ng Serbisyong
Suarez na marating ang mga liblib na lugar upang maparating ang mga proyekto at
paglilingkod sa taong bayan.
Nauna na dito ang proyekto
sa mga bayan ng Real at Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng 71.6 Milyon pesos
na naipagkaloob nito lamang magkasundo na araw ng lunes at martes.
Dito nagkaroon ng Concreting, Construction and Improvement ng ilang kalsada at paaralan
sa bayan ng Real na nagkakahalaga ng 32.7 Milyon pesos,
At sa bayan ng Infanta,
Quezon naglaan ng P32,265,000.00 para sa itatayo na Claro M. Recto District
Hospital, at namahagi rin ng Philhealth Cards, pinasinayaan din ang
dalawang classroom building sa Barangay Agos-Agos sa bayan ng Infanta, sa
ilalim ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon na napakalaking tulong para
magkaroon ng panibagong silid aralan dahil sa hindi na magsisiksikan ang mga
mag-aaral sa isang kubo.
No comments:
Post a Comment