Tuesday, October 16, 2012

ADBOKASIYA SA PANGANGALAGA NG MGA ENDANGERED SPECIES ISINUSULONG NI SEN. LEGARDA


    Maligaya si Sen. Loren Legarda dahil nagbubunga ang adbokasiya ng gobyerno at wildlife conservation sa pangangalaga ng mga endangered species at di na kailangang mag-alala na mamumulatan o makikita ang mga ito sa hinaharap.

      Ipinanawagan ni Senator Loren Legarda ang public awareness o kamalayan tungkol sa estado ng mga endangered species at kung paano sila mapoprotektahan.

      Tulad ng Tamaraw, ang pagpapalaki ng populasyon nito sa Iglit-Baco National Park ay isinulong at naging matagumpay, dahil na rin sa maayos na ginampanan ng mga dedikadong mga tao na nagtrabaho ng walang kapaguran sa mga nakalipas na dekada upang mapanatili ang lahing tamaraw.

      Ayon sa TCP o tamaraw Conservation Program, Ang bilang ng Critical na endangered Bubalus mindorensis, isang maliit na buffalo species na matatagpuan sa Mindoro Island ay tumataas ng baha-bahagya simula pa noong taong 2000.

      Ang sapat umanong kaalaman tungkol sa tamaraw at iba pang mga endangered species o malapit ng maubos at maglahong mga uri o klase ng mga hayop ay magsisilbi o makakatulong na mapataas ang tyansang mapanatili ang kanilang lahi.

      Malaking problema o pagsubok sa economic development  sa pagpapanatili o pangangalaga sa mga indigenous animal species ang pangangaso, illegal logging at pagsira sa mga natural habitat o tirahan ng mga ito.

      Ngunit sa tulong ng mga batas tulad ng National Environmental Awareness and Education Act of 2008, ay malilimitahan ang mga ganitong banta.

(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo)) SENATOR LOREN LEGARDA 

No comments:

Post a Comment