Wednesday, October 24, 2012

DAHIL SA DROGA ISANG LALAKI BINARIL, PATAY!


Patay ang isang lalaki matapos itong barilin ng di pa nakikilalang suspek sa Candelaria Quezon kagabi.

Isang tawag sa telepono ang natanggap ng Candelaria Police Station mula sa isang concerned citizen kung saan ayon dito ay isang shooting incident ang naganap sa Nadres Subd., Brgy. Malabanban Norte, ng bayang nabanggit.

Matapos matanggap ang ulat ay kaagad na tinungo ng mga elemento ng naturang istasyon ang lugar.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad dakong  alas 8:25 ng gabi habang nagpapahinga ang biktima na nakilalang si Percival Cornejo Sumadsad @ Boyet at nakahigang nanunuod ng telebisyon, ng isa umanong di kilalang lalaki ang dumating at walang sabi-sabing binaril sa kaliwang dibdib ang biktima.

Matapos maisagawa ang balak ay agad itong umalis patungo sa di na nalamang direksyon.

Agad na isinugod sa Peter Paul Hospital sa Brgy, Poblacion, ng naturang bayan ang biktima, ngunit idineklara na itong Dead on Arrival  ng attending physician na si Dr. Hector Calibuso M.D, dahil sa malubhang tama ng bala sa dibdib nito.

Bukod sa isang (1) piraso ng empty shell ng cal. 45 narekober din sa crime scene ang mga assorted drugs paraphernalia.

Kung kaya naman tinitingnan din ang posibilidad na may koneksyon ang pagpatay sa iligal na droga o illegal drugs dahil sa mga natagpuang gamit sa loob ng kwarto nito.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari at sa di pa nakikilalang salarin habang kasalukuyan namang nakalagak ang mga labi ng biktima sa Funeraria De Mesa Lim sa Brgy. Poblacion, Candelaria, Quezon 

No comments:

Post a Comment