Monday, December 31, 2012

Legarda: Iwasan ang panganib dala ng paggamit ng mga paputok



Ilang oras na nga lamang at magpapalit na ang taon, kung kaya naman mas pahihigpitin pa ang pagbabantay ng kinauukulan sa publiko.

Ganun pa man patuloy rin ang paghikayat sa mga tao na iwasan ang pagpa-paputok ng mga delikadong firecrackers sa pagsalubong ng 2013.

Ikina-alarma ni Sen. Loren Legarda ang pagtaas ng bilang ng mga biktima ng paputok habang papalapit ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Kaugnay nito, hinikayat ng Senadora ang mga mamamayan na sumunod sa pagbabawal ng mga awtoridad sa paggamit ng baril at mga delikadong paputok o firecrackers.

Aniya makapipinsala sa kalusugan ng tao at kapaligiran ito, kabilang na nga ang pagsunog ng mga lumang gulong ng sasakyan kung saan delikado ang usok dahil sa naglalaman ito ng kemikal

Sa pinakahuling tala ng Dept. of Health, umabot na sa 150 ang nasabugan ng malalakas na paputok at isa naman ang nasugatan nang tamaan ng stray bullet o ligaw na bala.

Dagdag pa ni Legarda mas mabuting salubungin aniya ang bagong taon ng kumpleto ang mga daliri sa kamay at paa o walang anumang pinsala sa bahagi ng katawan ng tao.

Inirekumenda niya na gumamit na lang ng torotot at iba pang paraan na mas ligtas at walang epekto sa ating kalikasan.

Monday, December 24, 2012

LEGARDA MULING NANGUNA SA SURVEY


Si Senadora Loren Legarda ang nangunguna sa the Center Pulso ng Pilipino Survey na isinagawa noong November 26 hanggang December 6.

Nakakuha si Legarda ng 67% o halos limang puntos ang kalamangan sa pumapangalawang si Senator Chiz Escudero na may 62%.

Nasa ikatlong pwesto naman si Senator Allan Peter Cayetano (49%); nag-tie sa ika-apat na puwesto sina Congressman JV Ejercito at Chyntia Villar (44.3%); sinundan ni Senator Koko Pimentel (43%);  Congressman Jackie Enrile (41%); Senator Gringo Honasan at Migz Zubiri (39.4%); Antonio Trillanes (36%) at dating Senator Richard Gordon (35.5%).

Naungusan naman ni Vice President Jejomar Binay si Pangulong Noynoy Aquino sa Satisfaction Rating.

79% ang satisfaction rating ni Binay habang 71% kay Pangulong Aquino.

68% ang satisfaction rating ni Senate President Juan Ponce Enrile at 48% kay House Speaker Jose Belmonte.

44% naman ng mga pinoy ang optimistic na gaganda ang ekonomiya sa 2013.

Wednesday, December 19, 2012

Programa para sa Magsasaka ng Quezon


Bilang tugon sa pagbabago ng buhay ng isang magsasaka at tulong upang mapaunlad ang mga produktong pang-agrikultura, naglunsad muli ng panibagong programa para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Tatawaging Farmers Enhancement Productivity Program (FEPP) ang panibagong  programang ito na ilulunsad sa taong 2013, nakasaad dito na “Ang pamahalaang Panlalawigan ang magbibigay ng binhing pananim, kasunod ang paglalaan ng Cash Assistance , gayun din ng mga abono”.

Para naman mapangalagaan ang kabuhayan ng magsasaka, ang pamahalaang panlalawigan na ang bibili ng mga produkto buhat sa isang magsasaka na nasa ilalim ng programang FEPP.

Ayon pa kay Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, bibigyan din ng prayoridad ang anak ng mga magsasaka upang maging scholar ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon.

Ipinagmalaki rin ng am ng lalawigan ang programang “Organic Farming” na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang paskuhan ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tayabas noong Dec. 14, 2012 sa Municipal Covered Court ng naturang bayan.

Nakipagdiwang din si Gov. Suarez ng kapaskuhan sa Brgy. Pulo, San Antonio Quezon, dito nabanggit niya ang kanyang ginagawang pagbisita sa malalayong lugar kung saan nalalaman at nararamdaman niya ang mga pangangailangan ng bawat isang pamilya.

Paraan umano ito upang iparamdam sa mga taga-Quezon na bukas ang kapitolyo  para sa lahat, sa ilalim ng mga Programa ng Serbisyong Suarez. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Programa para sa mga magsasaka at agrikultura ipinagkaloob ng Serbisyong Suarez


Bilang tugon sa pagbabago ng buhay ng isang magsasaka at tulong upang mapaunlad ang mga produktong pang-agrikultura, naglunsad muli ng panibagong programa para sa mga magsasaka ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon.

Tatawaging Farmers Enhancement Productivity Program (FEPP) ang panibagong  programang ito na ilulunsad sa taong 2013, nakasaad dito na “Ang pamahalaang Panlalawigan ang magbibigay ng binhing pananim, kasunod ang paglalaan ng Cash Assistance , gayun din ng mga abono”.

Para naman mapangalagaan ang kabuhayan ng magsasaka, ang pamahalaang panlalawigan na ang bibili ng mga produkto buhat sa isang magsasaka na nasa ilalim ng programang FEPP.

Ayon pa kay Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, bibigyan din ng prayoridad ang anak ng mga magsasaka upang maging scholar ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon.

Ipinagmalaki rin ng am ng lalawigan ang programang “Organic Farming” na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan sa isinagawang paskuhan ng mga magsasaka sa Lunsod ng Tayabas noong Dec. 14, 2012 sa Municipal Covered Court ng naturang bayan.

Nakipagdiwang din si Gov. Suarez ng kapaskuhan sa Brgy. Pulo, San Antonio Quezon, dito nabanggit niya ang kanyang ginagawang pagbisita sa malalayong lugar kung saan nalalaman at nararamdaman niya ang mga pangangailangan ng bawat isang pamilya.

Paraan umano ito upang iparamdam sa mga taga-Quezon na bukas ang kapitolyo  para sa lahat, sa ilalim ng mga Programa ng Serbisyong Suarez. 
 
(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Antioquia-Estacio komentaryo (8:30-9:00 am) 105.3 FM Radio City

Monday, December 17, 2012

MAGING HANDA SA KALAMIDAD - LEGARDA


Bukod sa mga akdang batas para sa kalikasan at kung paano ito maaalagaan  dahil sa pag-iiba ng klima o climate change na dulot ng global warming.

Ang pagkakaroon ng kahandaan sa epekto nito gaya ng bagyo at iba pang natural na kalamidad ay mahalaga at dapat huwag ipagsawalang bahala.

Bilang UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation, sinabi ni Sen. Loren Legarda na bukod sa paghahanda sa kalamidad, ay dapat magkaroon ng kaalaman ang lahat tungkol sa mga geographical location na maaaring high risk o peligroso, lalo na kapag nangyari ang di inaasahang kalamidad.

Dapat malaman ng mga residente kung ang kanilang lugar ay prone ba sa landslide o maaaring naninirahan sila sa mga mabababang lugar kung kaya flood-prone area ang lokasyon nila.



Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, December 11, 2012

GOOD GOVERNANCE SA PANAHON NG KALAMIDAD - LEGARDA


Dahil sa patuloy na nakakaranas ang Pilipinas ng hagupit ng mga bagyo at iba pang kalamidad.

Patuloy and mga isinusulong at ikinakampanyang batas ni Sen. Loren, na may kaugnayan sa Climate Change dulot ng Global Warming.

Sa isinagawang Gen. Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Manila Hotel ay tinalakay ni Chair of the Senate Committee on Climate Change, Sen. Loren Legarda ang naging epekto ng Typhoon Pablo.

Ang bagyong Pablo gaya ng Sendong at Ondoy at iba pang natural na kalamidad ay sumusubok sa katatagan ng mga Pilipino, lalong-lalo na ng mga nasa gobyerno.

Sa ika-apat o 4th Quarterly National Executive Officers and National Board Meeting of the Philippine Councilor League (PCL) ay ibinigay ni Sen. Legarda ang kanyang mensahe sa epektibo o Effective Legislation at Good Governance sa panahon ng mga kalamidad.

Ang pagkakaroon umano ng maayos o Good Governance lalong-lalo na sa panahon ng delubyo ay makakatulong na maibsan ang paghihirap ng mga tao. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Monday, December 10, 2012

Huwag Pasaway - Legarda

Tila ba isang bangungot ang iniwan ng matinding Bagyong Pablo na nanalansa sa ating bansa, maraming ari-arian ang nasira at marami rin ang nagbuwis ng buhay.

Ang mga biktima o mga survivors na bukod sa nangungulila sa kanilang mahal sa buhay na nawala ay kumakalam na rin ang sikmura.

At dahil sa nakaka-alarma na ang ganitong pangyayari, habang binabayo o dinadaanan palagi ngiba’t ibang delubyo ang bansa.

Lalo pang pina-igting ni Sen. Loren Legarda ang pagbibigay ng babala at pagsusulong ng mga paraan sa pagtugon sa epekto ng pagbabago ng klima dulot ng Global Warming.

Bilang Chair of the Senate Committee on Climate Change and UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia Pacific.

Nagrekomenda si Sen. Loren Legarda ng ilang hakbangin para maiwasan o maibsan ang epekto ng kalamidad gaya ng Pablo, Sendong at Ondoy.

Ito ay sa pamamagitan ng paglilinis ng mga estero, kanal at iba pang daanang tubig o waterways, pagbabawal sa illegal logging operations o pagkakalbo ng kabundukan, gayundin ang pagmimina sa mga mapanganib na lugar tulad sa Compostela Valley.

Hindi rin umano basurahan ang mga ilog, lawa at iba pang anyong tubig para pagtapunan.
Sa loob ng halos sampung taon parang sirang plaka na si Legarda sa pagpapa-alala sa mga opisyal ng gobyerno o local government units at sa mga mamamayan sa pagiging handa at pagpapatupad ng mga programa para sa Climate Change Adaptation.

Dagdag pa ni Legarda dapat na tayong matuto ng leksyon, maging handa at huwag ng manirahan sa mga mapanganib na lugar.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Sunday, December 9, 2012

BASKETBALL TOURNAMENT NG ARMY, POLICE AT RESERVIST ISINAGAWA SA SLSU - LUCBAN QZN.



2nd NSTP BASKETBALL TOURNAMENT @             SLSU Gymnasium.                                                     
THEME: Army ... Police ... & Reservists

... One Big Event; One Happy Game; One Wholesome Dream! ... 



"A SAFE & PEACEFUL COMMUNITY!"



"HQ & HQ SVC" COMPANY 
1st QZN Ready Reserve Battalion

PLAYERS: 
      Bolado (35), Yngreso (9), Sandoval (01), Calapit (34), Magaling (17), Espejo (29),  2 Lt. Peña, De Los Rios (74) Eleazar (45)



Inspirational Message



Capt. Nilo H. Dator INF (RES) PA
Acting Bn Comdr, 2nd QRRBn & NSTP - CWTS Department Head


Capt. Ardiente - (Battalion Commander)



 
   EMCEE: Jennifer Lynnette M. Mikesh                   Intermission Number by:  
              Joel Emmanuel A. Barranta                                 Sheila Marie Sale
                                                                                      "I Will Always Love You" & "And I Am Telling You"



SLSU - CWTS BAND

LUCBAN PNP                             BRAVO COMPANY
                                                      1ST QZN RRBN

Wednesday, December 5, 2012

DISASTER PREPAREDNESS AND RISK REDUCTION MANAGEMENT PAG-IBAYUHIN - LEGARDA


Kaugnay ng nanalansang bagyong Pablo, nanawagan si Sen. Loren Legarda na pag-ibayuhin ang Disaster Preparedness and Risk Reduction Management sa lahat ng komunidad sa buong bansa.

Ito ay bunsod ng nakaka-alarmang pagkamatay ng maraming residente at pagkasira ng mga ari-arian.

Dahil sa humigit 20 bagyo ang dumadalaw sa Pilipinas kada taon ay iginiit ni Sen. Legarda na dapat tiyakin ng mga Local Government Units (LGUs) ang kaukulang paghahanda para maiwasan ang ganitong trahedya sa sususnod na mga darating pang kalamidad.

Sa dumaang bagyong Pablo o Typhoon Pablo ay naitala ang 100 na bilang ng nasawi sa bayan ng New Bataan, Monkayo sa Compostela Valley, Kateel Boston at Bagangga sa Davao Orriental.

Marami rin ang nasirang ari-arian sa Surigao Del Sur, Lanao Del Sur at iba pang lugar sa Northern Mindanao.

Dahil dito hiniling ni Legarda na magsagawa ng Assessment sa “Cause and Effects” ng Super Typhoon Pablo na nagdulot ng landslide at pagbaha, dagdag pa niya, dapat matuto ng leksyon ang mga apektadong bayan at lalawigan para maging handa o magkaroon ng Disaster Preparedness upang maiwasan ang pagbubuwis  ng buhay at pagkawasak ng mga ari-arian.

Si Pablo nga gaya ng typhoon Sendong at Ondoy ay mga natural na kalamidad na sumubok sa kahandaan ng mga Pilipino, kung kaya naman patuloy na ipinatutupad ang mga batas  sa pangangalaga ng kapaligiran at climate change adaptation. 

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Tuesday, December 4, 2012

Environmental Awareness ng mga Pinoy tumaas


Sa isinagawang Pulse Asia Survey simula November 23 hanggang 29, kung saan 1,200 respondents ang nakilahok, lumabas na ang pinakamataas na may majority approval ratings sa national issues ay ang pagprotekta sa kalikasan o environmental protection.

Ang kampanya ng gobyerno sa pagpigil sa pagsira at pag-abuso sa kalikasan ay nakakuha ng approval rating na 60%, kung saan tumaas ito ng 10% kumpara noong nakaraang Setyembre.

Dahil sa pagkamulat ng mga tao sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan, ikinagalak ito ni Chair of the Senate Committee on Climate Change and UN Regional Champion for Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation for Asia-Pacific, Sen. Loren Legarda. 

Ayon sa Senadora ang pagtama ng iba’t ibang kalamidad sa bansa ay nagbigay ng pagbabago sa pananaw ng mga tao at pagkakaroon ng mataas na environmental awareness sa pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.

Idinagdag din niya na kahit marami ng batas ang ipinasa para sa proteksyon ng kalikasan ay kailangan pa rin itong mas paigtingin, tulad ng Clean Air Act, Solid Waste Management Act, Renewable Energy Act na siya ang may akda at maging ang Clean Water Act.

Tumaas man ang kamalayan ng mga tao sa environmental awareness at climate change adaptation sa mga nakalipas na taon ay hindi pa rin nito nagagawang ayusin ang mga nasira.

Aniya ang mga negosyante ay dapat magkaroon ng clean new technologies, adopt energy efficiency measures at re-engineer corporate social responsibility para sa pagtatayo ng disaster-resilient local communities.

Kahit sa ating sariling pamamahay ay marami tayong magagawa upang makatulong sa ating kalikasan tulad na lang pagre-recycle.

Monday, December 3, 2012

USAPANG PANGKALUSUGAN: TB (Tuberculosis)

SAAN NAGMUMULA ANG SAKIT NA TB?
       Mikrobyo ng TB (Mycobacterium tuberculosis)

SAAN NAGMUMULA ANG MIKROBYONG SANHI NG TB?
       Mula sa plemang nagmula sa baga ng maysakit

GLOBAL WARMING DAPAT BIGYANG PANSIN


Patuloy  ang paglipas ng panahon at patuloy sa pagbabago ang klima ng daigdig, kung kaya naman patuloy din ang pagsubok sa lahat ng nabubuhay sa mundo.

Dahil sa Climate Change na dulot ng Global Warming hindi na nga mapigilan ang halos sunod-sunod na natural na kalamidad na ating nararanasan.

Kung kaya naman magiging mas mailap ang kaunlaran na matagal na nating minimithi  at dahil sa hindi na nga mapigilang pagbabagong ito, panahon  na upang kumilos.

Ayon kay Sen. Loren Legarda  sa kanyang privilege speech na isinagawa sa Senate Session Hall, huwag na umano nating ipagsawalang bahala ang pagbabagong ito, bigyang halaga ang paghahanda para sa mga likas na panganib at mga epekto nito.

Dagdag pa ng senadora matuto na tayo sa ating mga naging karanasan , ito ay hamon hindi lamang sa mga mamamayan kundi pati na rin sa mga lokal na pamahalaan kung paano hihikayatin ang isang pamayanan na maging matatag at handa sa mga likas na panganib.

Tulad na lang ng pagkakaroon ng maagap na sistema o ang tinatawag  na “Early Warning System”, upang masabihan ang mga tao na lumikas dahil sa nakaambang panganib na dulot  ng isang bagyo, lindol o tsunami.

Bukod dito makakatulong din ang paglilinis ng estero nang sa gayon ay tuloy-tuloy ang pagdaloy ng tubig, magtanim ng puno at huwag tapon ng tapon kung saan-saan bagkus matutong mag-recycle.  

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am

Legarda nanawagan sa proteksyon ng mga Pawikan at iba pang Endangered Species


Dahil sa nagbabadyang pagkaubos ng mga endangered species tulad ng pawikan nanawagan at humihingi ng suporta si Sen. Loren Legarda upang huwag tuluyang maglaho ang mga nasabing nilalang.

Bilang Chair of the Senate Committee on Climate Change, United Nations Regional Champion for Disaster Risk Reduction at Climate Change Adaptation for Asia-Pacific, isa sa mga pinagtutuuunan niya ng pansin ay ang pagkasira ng tirahan o habitats ng mga ito.

Ayon sa senadora ang pagkasira ng mga natural habitats o mga tirahan ng mga hayop mapa-dagat man o lupa ay nangangahulugan ng malaking kawalan ng sources of livelihood, kabilang na nga dito ang tourism at ang depletion of food supply.

Ang pawikan ay sinasabing majestic creatures na matatagpuan sa halos iba’t ibang parte ng bansa, isa rin ito sa mga oldest species na patuloy na nabubuhay.

Ngunit dahil sa “poaching” o “pagnanakaw ng mga itlog ng pawikan” para gamitin sa pansariling interest o commercial purposes at pagkasira ng mga tirahan ng mga ito, ay  nanganganib na maubos at maglaho ang mga pawikan.

Dahil sa bantang ito at bunsod ng pagsuporta sa Conservation of the endangered species Program,  Nakilahok si Sen. Legarda sa 2012 Pawikan Festival, na ginanap sa  Pawikan Conservation Center sa Morong, Bataan.

Binati niya ang Lokal na Gobyerno ng Bataan dahil sa pagprotekta, conservation at rehabilitation program, ng populasyon ng mga Pawikan. 

HInikayat rin ng Senadora ang mga tao sa Bataan na patuloy na ipalaganap ang kanilang adbokasiya ng pagsagip sa mga Pawikan o Philippine Marine Turtles.

Wednesday, November 28, 2012

LEGARDA NABAHALA SA MAAARING PAGTAAS NG TEMPERATURA SA MUNDO


Araw-araw ay kinakaharap ng Pilipinas at maging ng lahat ng tao at iba pang mga nilalang sa mundo, ang pagbabago ng klima o Climate Change.

Ilang mga species ng mga hayop at halaman ang nangangambang maglaho.dahil sa abnormalidad ng panahon, iba’t ibang kalamidad na rin ang nararanasan, ang tag-ulan sa panahon ng tag-araw at tag-araw sa panahon ng tag-ulan.

Nakaka-alarma rin ang lumabas na resulta sa ginawang pag-aaral ng World Bank, kung saan maari umanong tumaas ng 4º celcius  ang temperature sa mundo.

Kung kaya naman patuloy na isinusulong ni Sen. Loren Legarda ang kanyang mga akdang batas na may kaugnayan sa kalikasan, isa na nga dito ang Clean Air Act, kung saan layunin nito na mabawasan at iwasan ang polusyon sa hangin.

Bilang Senate Committee Chairman on Climate Change, hinimok ng Senadora ang mga industrialized country na maglaan ng pondo para sa Green Climate Fund, ito ay sa harap ng nararanasang Climate Change sa buong mundo.

Ang pabago-bagong klima ayon kay Legarda ay magdudulot ng mas malalang epekto sa mga mahihirap na maaaring magbunga ng kasalatan sa supply ng pagkain o kagutuman at mas matinding kahirapan.

Sa kabila ng nararanasang economic crisis sa Europa at Amerika, pina-alalahanan ng senadora na responsibilidad pa rin ng mga industrialized country ang tulungan ang mga bansang vulnerable sa epekto ng climate change kung saan kabilang na nga dito ang Pilipinas.


Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) 8:30-9:00 am


Tuesday, November 27, 2012

Serbisyong Suarez para sa Kalusugan nagpapatuloy


Bukod sa ipinamamahaging Health Coupon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, ay nagbibigay din ng libreng “Serbisyong Medikal at Dental (Free Medical and Dental Mission)” sa iba’t ibang bayan.

Layunin ng aktibidad ng Serbisyong Suarez para sa kalusugan, ang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga taong bayan, kabilang na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at libreng gamot na angkop sa pangangailangan ng tao.

Isa ang bayan ng San Narciso Quezon sa nabigyan ng libreng Serbisyong Medikal at Dental noong ika-22 ng Nobyembre na ginanap sa Brgy. Hall ng Brgy San Juan ng nabanggit na bayan.

Dito ay humigit  limang daang katao ang nakinabang sa libreng Medical and Dental Consultation, kasama na nga ang pamamahagi ng libreng gamot para sa ilang karamdaman gaya ng: highblood, lagnat, sipon, ubo, pamurga, vitamins at iba pa.

Ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga mamamayan doon ang naturang programa sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez na malaking tulong umano sa naturang lugar.

Ayon sa kapitan ng brgy. na si Ginoong Melquiades Polo, malayo ang ospital sa kanila na nagiging dahilan kung bakit hindi kaagad nakaka-pagpatingin ang kanyang mga kabarangay na may karamdaman at ang ilan ay walang pera upang magpakonsulta.

Patuloy ang pagtulong at pakikiisa  ng mga boluntaryong doctor at dentista katuwang ang mga health workers at ang lokal na pamahalaan sa Free Medical and Mental Mission, na handog sa mamamayan ng  Probinsiya ng Quezon.                             

FREE MEDICAL AND DENTAL MISSION SA SAN NARCISO QUEZON


Bukod sa ipinamamahaging health coupon ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, ay nagbibigay din ng libreng serbisyo o free medical and dental mission, sa iba’t ibang bayan.

Layunin ng aktibidad ng Serbisyong Suarez para sa Kalusugan ang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga taong bayan, kabilang na ang pagbibigay ng libreng konsultasyon at libreng gamot na angkop sa pangangailangan ng tao.

Isa ang bayan ng San Narciso Quezon sa nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental, noong Nov. 22, 2012 na ginanap sa Brgy. Hall ng Brgy. San Juan ng nabanggit na bayan

Dito ay humigit limang daang katao ang nakinabang sa libreng medical at dental consultation, kasama na nga ang pamamahagi ng libreng gamot para sa ilang karamdaman na gaya ng high blood, lagnat, sipon, ubo, pamurga, vitamins at iba pa

Ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga mamamayan sa nasabing bayan ang programang ito ng lokal na pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez, kung saan malaking tulong umano ito sa naturang lugar.

Ayon sa kapitan ng Brgy. San Juan na si Ginoong Melquiades Polo, malayo ang ospital sa kanila,  na nagiging dahilan kung bakit hindi agad nakakapagpatingin ang kanyang mga kabarangay na may karamdaman at ang ilan ay walang pera na ipangbabayad sa pagpapakunsolta.

Patuloy rin ang pagtulong at pakikiisa ng mga boluntaryong doktor at dentista katuwang ang mga Brgy. Health Workers at lokal na pamahalaan sa Free Medical and Dental Mission na handog sa mga mamamayan ng probinsiya ng Quezon.

PANUKALA PARA SA PROTEKSYON NG MGA KABATAAN AT KABABAIHAN ISINUSULONG NI LEGARDA


      Bukod sa pagdiriwang ng ratipikasyon ng Pilipinas sa International Labor Organizations (ILOs) Convention 189 para sa mga kasambahay at pagsulong sa panukalang Expanded Anti-Trafficking Act, ay suportado rin ni Senate President Committee on Foreign Relations, Sen. Loren Legarda ang panawagan ni Ambassador Evan Garcia, kung saan iminumungkahi nito sa ibang bansa ang mabigyang pansin o ratipikahin ang mga kumbensiyon para sa proteksyon ng mga sector o isyu nan aka-aapekto sa maraming kabataan at kababaihan sa buong mundo.

     Tulad ng UN Convention against Transnational Organized Crime (Palermo Convention) at International Labor Organizations (ILOs) Convention 189 para sa mga kasambahay, na niratipikahan nitong nakaraang Agosto.

       Sinabi rin ni Sen. Legarda na ang mga kumbensiyon na ito at ang mga isyung kanilang nais iresolba ay dapat kabilang sa mga prayoridad ng mga mambabatas sa buong mundo.
      
      Si Legarda rin ang nagsulong ng Expanded Anti-Trafficking Act, na layuning magpapalakas sa prosekusyon ng mga aktibidad na may kinalaman sa trafficking at magbibigay ng proteksyon sa mga biktima nito.

        Aniya responsibilidad natin na siguraduhing hindi na mangyayari pa ang ganitong uri ng krimen, sa loob o labas man ng bansa. 


(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo -- 8:30-9:00 am)

Monday, November 26, 2012

Awarded



     Nasa ika-9 na araw na ang isinagawang Organizational Training kahapon ng mga Reserve Army ng Quezon sa Camp Guillermo Nakar, Lucena City.

      Binigyan ng Commendation Letter (award) ang nasa 31 reservist ng Pagbilao, kinilala ang mga ito ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), Pagbilao Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Chief Inspector Arvin Zamora De Asis dahil sa kanilang boluntaryo at pakikiisa sa Pagbilao PNP noong selebrasyon ng All Saints/Souls Day (Oplan: Kaluluwa 2012) sa bayan ng Pagbilao Quezon noong October 31 hanggang November 4, 2012.



(Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo -- 8:30-9:00 am)

Serbisyong Suarez namahagi ng Health Coupon


Gumaca Quezon – Nasa 59 na barangay ang napag-kalooban ng health coupon ng Serbisyong Suarez-Lingap Kalusugan, na may kabuuang halaga na P590,000.00.

Maaaring gamitin ang nasabing health coupon na pambili ng gamut at pangkunsulta sa mga pampublikong pagamutan.

Ang Formal turn-over ng Ceremonial Cheque ng Health Coupon sa naturang bayan ay ginanap noong Nov. 22, 2012, kung saan pinangunahan ito ni Quezon Gov. David “Jay-jay”  Suarez, kasama sina Gumaca Mayor Erwin Caralian at mga kapitan ng barangay ng Gumaca Quezon.

Tuloy-tuloy ang Serbisyong Suarez sa kanilang Programang Pangkalusugan handog sa mga mamamayan ng Probinsiya ng Quezon.

Reservist Training tuloy-tuloy at Gumaca Quezon napagkalooban ng Health Coupon


Nasa ika-9 na araw na ang isinasagawang Organizational Training ng mga Quezon Reserve Army sa Camp Guillermo Nakar Lucena City.

Nabigyang papuri o parangal ang nasa 31 reservist ng Pagbilao Quezon.

Kinilala ang mga ito ng QPPO Pagbilao  Municipal Police Station, sa pamumuno ni Police Chief Inspector Arvin Zamora De Asis, sa kanilang pakikiisa at boluntaryong pagbibigay ng kanilang oras noong selebrasyon ng All Saints / Souls Day (OPLAN: Kaluluwa 2012) sa bayan ng Pagbilao Quezon noong Oct 31 hanggang Nov. 4, 2012.

Samantala, 59 na Barangay sa Bayan ng Gumaca Quezon ang napagkalooban ng Health Coupon ng Serbisyong Suarez Lingap Kalusugan na may kabuuang halaga na P590,000.00 na maaaring gamitin na pambili ng gamot at pangkonsulta sa mga pampublikong pagamutan.

Ang formal turn-over ng Ceremonial Cheque ng Health Coupon sa naturang bayan ay ginanap noong Nov. 22, 2012 na pinangunahan ni Quezon Gov. David “Jay-jay” Suarez, kasama sina Gumaca Mayor Erwin Caralian at mga kapitan ng brgy. ng Gumaca Quezon.

Thursday, November 22, 2012

Problema sa Lansangan


Hindi na nga nauubos ang mga problema sa kalsada, tulad ng Problema sa Trapiko, tadtadin man ng napakaraming Traffic Signs ang bawat kanto ng mga kalsada sa bawat bayan ay hindi pa rin ito napapansin hanggang sa mabulok na lamang ang mga materyales na ginamit dito.

Kapag nga sumapit na ang gabi ay wala ng Traffic Violation dahil wala ng manghuhuli, bukod pa dito anumang oras basta’t walang pulis na manghuhuli ay hantaran na ang makikitang paglabag sa batas.

Pangkaraniwan na nga ang ganito sa bahagi ng mga public market, kung saan nagkalat ang mga tindero at tindera na halos sakupin na ang buong kalsada, nagsusulputan din ang mga illegal parking, illegal terminal at kung anu-ano pa. Kung may pulis nagkakaroon naman ng kaso ng pangongotong.

Napakadami nga ng kamalian o paglabag sa mga ipinatutupad na batas na kung papansinin lamang natin ay hantaran na sa mga lansangan.

Ang pagpapaigting ng mga batas, pakikiisa at maayos na pagsunod ng mga mamamayan ang tanging solusyon upang mapatupad ng maayos ang mga ipinatutupad na batas.     

Tuesday, November 20, 2012

Negosyo sa kanayunan suportahan


Ayon sa survey, patuloy umano sa pag- ganda ang ekonomiya ng ating bansa, ngunit nasa 42% pa rin ang populasyon ng na nanatiling mahira, halos mga mayayaman lamang o nabibilang sa middle class ang nakararamdam ng pag-unlad.

Bunsod ng nabanggit na problema ay sinuportahan ni Senator Loren Legarda ang panawagan  ng Managing Director ng International Monetary Fund (IMF) na si Christine Lagarde, ayon sa kanya dapat umanong isaalang-alang ng Pilipinas ang pagsuporta sa mga maliliit na hanapbuhay upang malabanan ang kahirapan.

Kailangan umanong bigyang pansin ang pagpapalawak ng ating yaman, upang makasiguro na lahat ay makakaramdam ng pag-unlad.

Dapat bigyan ng suporta ang mga hanapbuhay at negosyo sa kanayunan, kung saan kailangang mamuhunan at siguraduhin ang paglago ng MSMEs o Micro, Small & Medium Enterprises na magbibigay ng karagdagang trabaho para sa nakararami.

Mahalaga rin ang mga training programs sa mga barangay upang hikayatin ang mga mamamayan na sumubok na magtayo ng sariling negosyo.

Dapat umanong bigyan ng suportang Pinansyal at Teknikal ang mga mangingisda at magsasaka.

Ang mga ahensiya ng Gobyerno tulad ng: Kagawaran ng Kalakalan at Industriya, Kagawaran ng Paggawa at Empleyo at Kagawaran ng Pagsasaka ay nagsama-sama para sa maayos na pagpapatupad ng mga batas, para sa mga hanapbuhay sa kanayunan.

Patuloy rin ang panawagan ni Sen. Loren Legarda sa pagpapatupad ng kanyang mga akdang batas, gaya ng: Micro, Small and Medium Enterprises Act (RA 9501), Brgy. Kabuhayan Act (RA 9509) at ang Agri-Agra Reform Credit Act.

Layunin nito na matulungan ang mga Pilipino upang makapagtayo ng sariling negosyo o pangkabuhayan.

Monday, November 19, 2012

Organizational Traning ng Reservist nasa ika-8 araw na

SSgt. Ramon Lasay (left) SSgt. Reynaldo Angala (right) of Task Force Lucena


      Nasa ika-8 araw na nga, ang isinagawang pagsasanay kahapon ng mga Ready Reserved Army ng Quezon.

      Tinalakay sa semi-finals attendance, 8th Organizational Training day, ang Map Reading at Patrolling.

       Unang nagsagawa ng lecture si SSgt. Ramon Lasay ng Task Force Lucena, tinalakay at itinuro niya ang tungkol sa paggamit at pagbabasa ng mapa o “Map Reading”.

      Sinundan ito ng Lecture tungkol sa “Patrolling” ni SSgt. Reynaldo Angala ng Task Force Lucena.

       Umaasa ang mga lecturer na matutulungan nila ang mga reservist upang madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa mga gawaing militar o military tactics.

      Dahil sa nalalapit na pagtatapos ng 10 days Organizational Training na isinasagawa tuwing araw ng linggo sa CDC ng Camp Guillermo Nakar, Lucena City ay pinaghahandaan na rin ng tropa ang tamang pagmamartsya o marching, pati na rin ang ilang mga plano tulad ng presentasyon o presentation sa nalalapit na Graduation day.    


Hanap-buhay para sa mga OFWs handog ng Villar Foundation


    Hindi nga lamang sa pagpapabalik o pagpapa-uwi sa ating bansa ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na inabuso ng kanilang mga amo nakatutok ang gawain ng Villar Foundation, kundi pati na rin sa pagtulong sa mga ito at sa kanilang mga pamilya na makapag-simula ng bagong buhay.

       Marami ngang Pilipino ang nakipag-sapalaran sa ibang bansa, ngunit marami rin dito ang hindi pinalad, kung kaya naman gustong ipakita ng Villar Foundation na maaari silang magnegosyo na lamang dito sa sariling bayan, dahil may maliit namang Business Enterprises na pwede nilang simulan kung sila’y magkakaroon lamang ng tamang kaalaman.

       Dagdag pa ni running for senator, dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, naging katuwang at kaugnay ang Ople Center, ng gawaing ito kung saan tinuruan ang mga OFWs ng bagong kaalaman para sa kanilang kabuhayan.

        Bunsod pa nito nagsasagawa din ng taunang OFW summit.

       Sa Nov. 22, 2012 nga ay isasagawa ito sa World Trade Center sa Pasay, layunin nito na mai-angat ang buhay ng ating mga OFWs sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

OFWs tinulungang mapa-uwi ng Villar Foundation


       Sa tulong ng Villar Foundation at iba pang kaugnay na ahensya ng pamahalaan, gaya ng Dept. of Foreign Affairs, Dept. of Labor and Employment, Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA), Blas Ople Center at ng Migrante ay libu-libong Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumanas ng iba’t ibang uri ng pagpapahirap at pang-aabuso mula sa kanilang amo ang napabalik na sa bansa. Kabilang na nga dito ang 10 OFWs galing Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia.

       Ang programa o gawain na ito ng Villar Foundation sa pangunguna ng Managing Director nito na si dating Las Piñas Rep. Cynthia Villar, ay naglalayong matulungan at mapabalik ang mga OFWs na humingi ng saklolo dahil sa pang-aabuso ng amo.

       Tiniyak ni Villar na tutulungan ang mga Pilipino na mapauwi at ang kanilang pamilya para makapag simula ng bagong buhay, alinsunod pa rin sa isinusulong na mga adhikain ng Villar Foundation.

       Lubos ang pasasalamat at kagalakan ng mga napauwing OFWs dahil sa pagtulong sa kanila.

Friday, November 16, 2012

Malaria Cases bumababa (Quezon Province)



Mula sa bilang na 364 na malaria cases sa probinsiya ng Quezon, patuloy na bumaba ang bilang ng sakit na ito sa kasalukuyan.

Ito ay bunsod ng programang patuloy  na ipinatutupad  ni Gov. David Jayjay Suarez sa pamamagitan ng tanggapan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pangunguna ni Dr. Agripino Tullas

Ang malaria nga ay ang pinaka kilalang sakit na makukuha tuwing panahon ng tag-ulan na galing sa mga babaeng lamok.

Sinasabing ang Malaria ang pinakadelikadong sakit sa india na kumitil na sa maraming buhay doon.
Malalamang ikaw ay apektado ng naturang sakit kung nakararamdam ka ng sintomas gaya ng pabalik-balik na lagnat, panginginig, pananakit ng katawan at panghihina.

At bilang pagtugon sa suliraning pangkalusugan kaugnay ng sakit na ito ay nagsagawa at nagtatag ng Provincial Malaria Monitoring Team sa pangunguna ni Gov. Suarez, kung saan umiikot ito sa bawat bayan at bawat barangay sa buong lalawigan ng Quezon.

Bukod sa spray ng mga kemikal na panlaban sa lamok na nagdadala ng malaria, namimigay din ng libreng kulambong merong insecticide ang grupo, sa bawat pamilyang apektado ng outbreak.

Pangunahing gawain ng monitoring team ay ang magsagawa ng malaria awareness forum na kung saan ay kanilang itinuturo sa bawat mamamayan ang mga pangunahing gawain kung papaano maiiwasan ang pagkakasakit ng malaria o ang maagap na pagpigil kung sakaling magkakaroon ng malaria outbreak.

Sa tala ng kaso ng malaria cases sa buong lalawigan bumaba ito ng 246 noong taong 2010, naging 74 cases noong 2011 at sa ngayon makalipas ang dalawang taon ito ay bumaba na sa 17 cases na lamang at wala na rin umanong naitalang bilang ng namatay dahil sa sakit na malaria.

Animal Medical Mission isinagawa ng libre


Nasa humigit kumulang apa’t na libo o 4,000 ang naitalang nabakunahan o naturukang mga hayop,  ng libreng Anti Rabies, kamakailan sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Personal na tinungo ng ilang pet owners ang munisipyo ng naturang bayan, dala ang kanilang mga alagang aso para sa libreng bakuna, kung saan 306 ang matagumpay na naturukan ng anti-rabies.

Samantala ang iba naman na may mga alagang baboy, baka, kalabaw atbp na hayop ay humingi nalamang ng gamot, tulad ng bitamina, pamurga o pang-alis ng kuto,  na maaaring gamitin o ibigay sa kanilang mga alaga.
Ang gawaing ito ay alinsunod sa mga proyekto at programa ng local na pamahalaan ng Quezon, sa ilalim ng pamumuno ni Gov. David “Jay-jay” Suarez.

Ang Animal Medical Mission na ito ay naglalayong makamit, ng lalawigan, ang pagiging Rabies Free ng Probinsiya at matutukan ang kalusugan ng mga alagang hayop na nakakaapekto sa kapaligiran,  katuwang ang Provincial Veterinary Office

Ayon Kay Animal Health Division, Head Rodelito Pamular, patuloy ang taos puso nilang paglilingkod upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga alagang hayop, nagpasalamat din siya sa suportang ipinagkaloob ng Ama ng lalawigan sa bawat munisipalidad.



Thursday, November 15, 2012

Environmental Program tuloy-tuloy sa Probinsiya ng Quezon

Patuloy na isinasagawa ang iba't ibang programa at aktibidad ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

Kabilang na sa mga programang ito ay ang proyektong may kaugnayan sa ating kalikasan.

Sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan katuwang ang Provincial Government  Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) ay patuloy ang monitoring o pagtutok sa mga environmental programs.

Kabilang na nga ay ang mga puno ng bakawan na itinanim sa mga baybaying dagat noong June 30, 2012, alinsunod sa programang pagtatanim sa buong lalawigan.

Layunin nito na siguraduhin, na sa darating na panahon ay malalaman ang kahalagahan nito sa atin.

Samantala patuloy nang isinusulong o ipinatutupad ang Solid Waste Management System sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan na nakatakda na ring ipatupad sa bawat munisipalidad.

Patuloy na rin ang paghikayat ng mga lokal na pinuno ng bayan sa kanilang mga mamamayan na iwasan na rin ang paggamit ng plastic kundi mga recyclable materials, na lamang.

Saturday, November 10, 2012

Blood Letting Program isinagawa - Pagbilao



Blood Letting Program @ 
Brgy. Tambak, Pagbilao Quezon

"Dugong Bigay Mo, Dugtong sa Buhay Ko"


Pagbilao Quezon - Naging maayos at matagumpay ang isinagawang half day na Blood Letting Program sa Brgy. Tambak, kung saan nasa humigit kumulang  limampu (50) katao ang naging participants, ngunit nasa dalawampu't dalawa (22) lamang ang nakuhanan ng dugo.

Ilan sa mga kadahilanan ay high blood, low blood, naka-inom o di kaya'y may hang-over.

Ginanap ito sa Brgy. Hall ng nasabing lugar kung saan ito ay suportado ng punong brgy. na si Brgy. Captain Luisito Merjudio (Matikas Reserved Army), mga Brgy. Officials at Mr. Warren Medrano (Matikas Reserved Army) na syang coordinator sa Philippine Red Cross, Lucena Chapter.

Nakilahok din sa naturang programa ang ilan pang Quezon-Reservist na sina: Sgt. Julieta Roperez, Pvt. Rosana Omalin, Pvt. Edwin Caliao at Pvt. Carl Aldrin Buencamino.





Monday, October 29, 2012

SERBISYONG SUAREZ sa AGRIKULTURA


Isa sa mga pryoridad ng ating lokal na pamahalaan ang pang Agrikultura na programa, kung kaya naman tuloy-tuloy ang mga proyekto at aktibidades dito sa atin, sa pangunguna ni Gov. David “Jayjay” Suarez, kung kaya naman suportado din ng mga punong bayan at mga opisyales ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura.

Isa na nga ang programa na tinatawag na Training on Community-Based Tilapia Hatchery for Fingerling Production na naisagawa na nga sa iba’t ibang bayan.

Ang mga bayan gaya ng Atimonan, City of Tayabas, San Antonio, San Narciso, Tiaong, Real, Gen. Nakar at Lopez, ay ilan sa mga bayan ng lalawigan ng Quezon na pinagdausan na ng nasabing pagsasanay.


Layunin nitong pataasin ang kalidad o kabuhayan ng mga kababayan natin sa pangisdaan at mabigyan ang mga mangingisda ng karagdagang, kaalaman.

Tulad ng ibinahagi ng mga kawani ng Fisheries Division, ng Tanggapan ng Panlalawigan Agrikultor o Agriculture,  tungkol sa mga, sumusunod:

  • Fishpond Lay-out and Design, 
  • Selection of Broodstock, 
  • Pond Preparation, 
  • Water Management, 
  • Collection & Segregation of Post Fry, 
  • Nursery & Fingerling Handling and Marketing, 
  • Farm Records and Financial Management at 
  • Adaptation Measures to Lessen the Effect of Climate Change to Fish Productivity 

Inaasahan ng lokal na pamahalaan na mabigyan ng naturang pagsasanay ang mga kababayan nating mangingisda sa iba pang bayan ng lalawigan.


Bukod pa dito namahagi rin kamakailan ng limang libong (5,000) coconut seedlings ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa mga bayan ng Unisan, Catanauan, San Narciso at Gumaca, Quezon, kaalinsabay ng pagsasagawa ng Coconut Planting and Replanting Program na dinaluhan ng isang daan at dalawampung (120) magniniyog. 

Layunin nito na buhayin at pagyamaning muli ang sektor ng pagniniyugan, upang mapalitan ang mga naputol na puno ng niyog, mga nasalanta ng bagyo, matatandang puno at mga tinamaan, ng peste.

Reported by: Jen-jen Oblefias @ Radio City 105.3 FM (Antioquia-Estacio Komentaryo) Gov. David "Jay-jay" Suarez

Saturday, October 27, 2012

SEN. LEGARDA MULING NAMAYAGPAG


Bukod sa pagkakaroon ng High Trust Rating sa isinagawang “ Pulse Asia Survey” mula Aug. 31 hanggang Sept. 7, 2012.

Muling namayagpag si Sen. Loren Legarda sa latest STRAT Polls survey, kung saan nakakuha siya ng 64% mula sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Taos puso niyang ipinagpasalamat ang tiwala at pagmamahal ng taong bayan sa kanya, kung saan batid umano ang kanyang nagawa, ginagawa at gagawin pang trabaho sa senado.

Idinagdag din ng senadora na sa nalalapit na eleksyon, ang pagtupad sa tungkulin, pagtulong na mai-angat ang kabuhayan at mabigyan ng mahusay na serbisyong medikal ang mga mamamayan, ang dapat na unahain.

Sumunod kay Sen. Legarda sina: Sen. Chiz Escudero (63%), Sen. Alan Peter Cayetano (58%), Sen. Koko Pimentel III (45%), Former Congresswoman Cynthia Villar (42%) at Cong. Sonny Angara (40%)

Bumaba naman sa ika-7 pwesto si Cong. JV Ejercito (37%),  ika-8 si dating Sen. Richard Gordon (35%),ika- 9 si Former Sen. Juan Miguel Zubiri (33%) at ika-10 pwesto si Cong. Jack Enrile (29%)

Nasa ika-11 at ika-12 na pwesto naman sina Sen. Gregorio Honasan (29%) at Sen. Jamby Madrigal (28%). 

LEADING CAUSES OF MORBIDITY (Quezon Province)

Ilang dahilan ng matinding karamdaman:


  • Acute Respiratory Infection
  • Hypertension
  • Acute Tonsillopharyngitis
  • Influenza
  • Pneumonia
  • Wound
  • Urinary Tract Infection (UTI)
  • Skin Diseases
  • Diarrhea
  • Bronchial Asthma


Source: QMC-Lucena City (Quezon Province)

CAUSES OF MORTALITY IN QUEZON PROVINCE

Narito ang ilan sa mga naitalang sakit na nauuwi sa kamatayan (Quezon Province):

  • Cardiovascular Diseases
  • Pneumonia
  • Cancer (all forms)
  • Hypertension
  • Pulmonary Tuberculosis
  • Chronic Obstructive Pulmonary Diseases
  • Diabetes Millitus
  • Kidney Failure
  • Multiple Organ Failure
Source: QMC-Lucena City, Quezon

Friday, October 26, 2012

SERBISYONG SUAREZ TULOY-TULOY


Patuloy ang proyekto at aktibidad ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. David Jay-jay Suarez. Sa pagpasok pa lamang ng linggong ito ay ilang bayan na ang tinungo ng gobernador,

Aniya pinipilit ng Serbisyong Suarez na marating ang mga liblib na lugar upang maparating ang mga proyekto at paglilingkod sa taong bayan.

Nauna na dito ang proyekto sa mga bayan ng Real at Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng 71.6 Milyon pesos na naipagkaloob nito lamang magkasundo na araw ng lunes at martes.

Dito nagkaroon ng Concreting, Construction and Improvement ng ilang kalsada at paaralan sa bayan ng Real na nagkakahalaga ng 32.7 Milyon pesos,

At sa bayan ng Infanta, Quezon naglaan ng P32,265,000.00 para sa itatayo na Claro M. Recto District Hospital, at namahagi rin ng Philhealth Cards, pinasinayaan din ang dalawang classroom building sa Barangay Agos-Agos sa bayan ng Infanta, sa ilalim ng Serbisyong Suarez para sa Edukasyon na napakalaking tulong para magkaroon ng panibagong silid aralan dahil sa hindi na magsisiksikan ang mga mag-aaral sa isang kubo.

Nagkaloob din ang Pamahalaang Panlalawigan ng pondo para sa Feeding Program sa 3 bayan, ito ay ang bayan ng General Nakar, Infanta at Real,  na nagkakahalaga ng P 5,148,000.00

Thursday, October 25, 2012

Pagkakahuli sa isang wanted at isang fire incident sa Mauban Quezon nai-ulat


Nahuli na nga kahapon si Reagan Laurel Bugtong @ Juancho na residente ng  Sitio Sto. Tura, Brgy Soledad ng bayang nabanggit dahil sa kaso nitong Frustrated Homicide na isinampa noong September 20, 2012.

Nadakip ito sa  Brgy San Rafael  dakong alas-4:40 ng madaling araw kahapon sa pamamagitan ng grupo nina  SPO1 Ruel Obmina at PO1 Bernardo Almariego Jr. ng PIB, QPPO dala ang Warrant of Arrest na may Criminal Case # 12-3358.
Samantala, ilang oras lang ang nakalilipas, isang sunog naman ang nai-ulat dakong 9:20 ng umaga sa Brgy. Bagong Bayan.

Isang Mr. Ray Astoveza ang dumulog sa himpilan ng Mauban Fire Station upang i-ulat ang sunog sa isang residential nipa hut na pagmamay-ari ng isang Nicasio Alcantara sa Siquijor St, ng naturang lugar.

Agad namang tinungo ng mga tauhan ng Bureau of Fire na pinangunahan ni Insp Fernando Castillo, ang nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na sa paglalaro ng posporo ng mga anak ng mga Alcantara nagsimula ang sunog, wala namang nai-ulat na nasaktan ngunit humigit kumulang P7,000.00 ang halaga ng nasirang pag-aari.