Tuesday, November 30, 2010

VEHICULAR ACCIDENT

ISANG VEHICULAR ACCIDENT ANG NANGYARI KAMAKALWA SA KAHABAAN NG BRGY. CONCEPCION PALASAN, SARIAYA, QUEZON.

ARESTADO ANG ISANG LALAKI MATAPOS AKSIDENTENG MAHAGIP NG KANYANG MINAMANEHONG MITSUBISHI LANCER ANG ISANG MOTOR.

AYON SA IMBESTIGASYON ANG BERDENG MITSUBISHI LANCER AY MINAMANEHO NI BALBINO TAPALLA RAMOS, NA MAY PLATE # WTJ- 506.

BINABAGTAS UMANO NITO ANG HIGHWAY GALING SA LIBMANAN, CAM SUR BOUND PATUNGONG CALAMBA CITY.

NANG SUMAPIT UMANO ITO SA LUGAR NA PINANGYARIHAN NG INSIDENTE ITO AY NAG-OVER TAKE SA ISANG TRUCK, HABANG SA KABILANG LANE NAMAN AY PARATING ANG ISANG ASUL NA SUZUKI X-3 MOTORCYCLE NA PATUNGO NAMAN SA SARIAYA TOWN PROPER..

KUNG KAYA’T NAGING SANHI ITO NG AKSIDENTENG PAGBANGGA AT PAGHAGIP SA NATURANG MOTOR.

ANG BIKTIMANG NAGMAMANEHO NG MOTORSIKLO AY NAGTAMO NG PINSALA, KINILALA ITONG SI ARIES SILANG CANON. AGAD NAMAN ITONG DINALA SA CANDELARIA DOCTORS HOSPITAL.

ILAN PA SA MGA NADAMAY AY SINA - RONEL SUPILLO MANALO AT JOEL SILANG SUPILLO, NA KAPWA MAGSASAKA AT RESIDENTE NG BRGY CONCEPCION 1, SARIAYA, QZN.

(Reported: Nov. 30, 2010) DZLT

AKSIDENTE SA MAHARLIKA HIGHWAY

KAMAKALAWA ISANG VEHICULAR ACCIDENT ANG NANGYARI SA MAHARLIKA HIGWAY BRGY. TALIPAN, PAGBILAO, QUEZON.

AYON SA INISYAL NA REPORT BINABAGTAS NG P&O BAS NA MAY PLATE # TYV 176 AT BODY # 551325 NA MINAMANEHO NG ISANG MARCELITO REMOJO DE TORRES ANG HIGHWAY GALING SA LUCENA, PAPUNTANG BAHAGI NG SOUTH, NG MABANGGA ANG ISANG SUZUKI MULTI CAB NA MAY PLATE # PCT 945 NA DI UMANO’Y PAPUNTA NAMAN SA DIREKSYON PATUNGONG LUCENA CITY.

HINDI NA NAKILALA ANG BIKTIMA SAPAGKAT MABILIS ITONG UMALIS AT INIWAN ANG KANYANG SASAKYAN MATAPOS ANG AKSIDENTE.

PATULOY NAMAN ANG IMBESTIGASYON DITO SA PANGUNGUNA NG OFFICER-ON-CASE NA SI PO2 GERARDO LACORTE.

(Reported: Nov. 29, 2010) DZLT

AKSIDENTE SA MAHARLIKA HIGHWAY

KAMAKALAWA ISANG VEHICULAR ACCIDENT ANG NANGYARI SA MAHARLIKA HIGWAY BRGY. TALIPAN, PAGBILAO, QUEZON.

AYON SA INISYAL NA REPORT BINABAGTAS NG P&O BAS NA MAY PLATE # TYV 176 AT BODY # 551325 NA MINAMANEHO NG ISANG MARCELITO REMOJO DE TORRES ANG HIGHWAY GALING SA LUCENA, PAPUNTANG BAHAGI NG SOUTH, NG MABANGGA ANG ISANG SUZUKI MULTI CAB NA MAY PLATE # PCT 945 NA DI UMANO’Y PAPUNTA NAMAN SA DIREKSYON PATUNGONG LUCENA CITY.

HINDI NA NAKILALA ANG BIKTIMA SAPAGKAT MABILIS ITONG UMALIS AT INIWAN ANG KANYANG SASAKYAN MATAPOS ANG AKSIDENTE.

PATULOY NAMAN ANG IMBESTIGASYON DITO SA PANGUNGUNA NG OFFICER-ON-CASE NA SI PO2 GERARDO LACORTE.

(Reported: Nov. 29, 2010) DZLT

MENOR DE EDAD NAHULI

HULI SA AKTO ANG ISANG MENOR DE EDAD KASAMA ANG 3 DI PA NAKIKILALANG MGA SUSPEK.

AYON SA REPORT HULI SA AKTO NG SECURITY GUARD NG GRAND CENTRAL TERMINAL NA NASA BRGY ILAYANG DUPAY, LUCENA CITY, ANG KINILALANG SI RAYMUND KASAMA ANG 3 PANG DI NAKIKILALANG SUSPEK HABANG NINANAKAW ANG METAL SCRAPS NA HUMIGIT KUMULANG P3,000.

AGAD UMANONG NASUNGGABAN AT NADAKMA NG SECU SI RAYMUND HABANG ANG TATLO AY NAKATAKAS.

ANG BATA AY DINALA SA LUCENA POLICE AT ITINURED OVER SA DSWD.

(Reported: Nov. 29, 2010) DZLT

MENRO DE EDAD NAHULI

HULI SA AKTO ANG ISANG MENOR DE EDAD KASAMA ANG 3 DI PA NAKIKILALANG MGA SUSPEK.

AYON SA REPORT HULI SA AKTO NG SECURITY GUARD NG GRAND CENTRAL TERMINAL NA NASA BRGY ILAYANG DUPAY, LUCENA CITY, ANG KINILALANG SI RAYMUND KASAMA ANG 3 PANG DI NAKIKILALANG SUSPEK HABANG NINANAKAW ANG METAL SCRAPS NA HUMIGIT KUMULANG P3,000.

AGAD UMANONG NASUNGGABAN AT NADAKMA NG SECU SI RAYMUND HABANG ANG TATLO AY NAKATAKAS.

ANG BATA AY DINALA SA LUCENA POLICE AT ITINURED OVER SA DSWD.

(Reported: Nov. 29, 2010) DZLT

MENRO DE EDAD NAHULI

HULI SA AKTO ANG ISANG MENOR DE EDAD KASAMA ANG 3 DI PA NAKIKILALANG MGA SUSPEK.

AYON SA REPORT HULI SA AKTO NG SECURITY GUARD NG GRAND CENTRAL TERMINAL NA NASA BRGY ILAYANG DUPAY, LUCENA CITY, ANG KINILALANG SI RAYMUND KASAMA ANG 3 PANG DI NAKIKILALANG SUSPEK HABANG NINANAKAW ANG METAL SCRAPS NA HUMIGIT KUMULANG P3,000.

AGAD UMANONG NASUNGGABAN AT NADAKMA NG SECU SI RAYMUND HABANG ANG TATLO AY NAKATAKAS.

ANG BATA AY DINALA SA LUCENA POLICE AT ITINURED OVER SA DSWD.

(Reported: Nov. 29, 2010) DZLT

ISANG MAGSASAKA NATAGPUANG PATAY

ISANG BANGKAY ANG NATAGPUAN SAN ANDRES, QUEZON KAMAKAILAN, AYON SA IMBESTIGASYON ALAS-3 NG UMAGA NG ITO AY MAKITA NA NAKAHANDUSAY AT MAYROONG ISANG SAKSAK SA DIBDIB.

ANG BIKTIMA AY NAKILALANG SI TIRSO SUSON, ISANG MAGSASAKA AT RESIDENTE NG SITIO TABUC, BRGY TALISAY, SAN ANDRES, QUEZON.

PATULOY ANG ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON AT OPERASYON NG SAN ANDRES MUNICIPAL POLICE SA POSIBLENG PAGKAKAKILANLAN NG SUSPEK.

(Nov. 29, 2010) DZLT

IPAGBAWAL ANG PAG-AANGKAS NG MGA BATA SA MOTOR

DUMADAMI NA NGA AT MATAAS ANG BILANG NG MGA AKSIDENTE SA DAAN, NANGUNGUNA DITO ANG AKSIDENTE NG MOTOR. DITO NA LANG SA KAHABAAN NG MAHARLIKA HIGHWAY HALOS ARAW-ARAW NA ANG NABABALITAANG VEHICULAR ACCIDENT.

NGUNIT ISA PA SA NAKAKABAHALA AY ANG PAG-AANGKAS NG MGA BATA SA MOTORSIKLO. KAYA NAMAN ISINULONG NI SENADOR VICENTE SOTTO III ANG ISANG PANUKALANG BATAS NA NAGBABAWAL SA PAG-ANGKAS NG MGA BATA SA BACKSEAT O KAHIT SA HARAP NG NAGMAMANEHO NG NATURANG BEHIKULO. SA SENATE BILL NO. 2690 O “PROHIBITION ON CHILDREN RIDING MOTORCYCLE ACT OF 2010” NAKASAAD NA DAPAT IPAGBAWAL ISAKAY ANG MGA BATANG MAY EDAD LABINDALAWANG TAONG GULANG PABABA. LAYUNIN UMANO NITO NA ILAYO SA PA¬NGANIB ANG MGA BATA.

SINANG-AYUNAN NAMAN ITO NG ILANG MAMAMAYAN DITO SA LUCENA CITY, HINDI NAMAN DAW UMANO NATIN ALAM KUNG KELAN DARATING ANG KAPAHAMAKAN, KAYA MAINAM NA BAGO PA MAY MAAKSIDENTE AY MAIPATUPAD NA ANG NASABING BATAS.

AYON SA NAKAPANAYAM NATIN NA SI MANG RONI, MATAGAL NA UMANO NIYANG NAPAPANSIN NA ARAW-ARAW NA LANG, NAKIKITA NIYA ANG MGA BATANG ANGKAS NG MOTOR, NA WALA PA UMANONG HELMET MAN LANG, MAY NAKA-ANGKAS SA LIKOD OKAYA NAMAN AY NASA HARAPAN, MINSAN NGA UMANO AY MAY SANGGOL PA SIYANG NAKITA NA BUHAT SA TAGILIRAN NG INA NITO HABANG NAKAANGKAS SA MOTOR.

BUKOD UMANO SA GINAGAWANG EKSPERIMENTO SA PAGSASA-AYOS NG TRAPIKO, ISA SA DAPAT PANG PAGTUUNAN NG PANSIN AY ANG PANG-HUHULI NG MGA NAG-AANGKAS NG BATA SA MOTOR, LALO PA’T 10 TAON PABABA ANG EDAD.

(Reported: Nov. 29, 2010) DZLT

ISANG BANGKAY NATAGPUAN

ISANG BANGKAY ANG NATAGPUAN KAMAKAILAN SA BAYAN NG SAN ANDRES QUEZON.

KINILALA ITONG SI ELEBERT DE LEON REÑO, 16 YEARS OLD, ISANG STUDYANTE AT RESIDENTE NG SITIO MANGGAHAN, BRGY. PANSOY.

NATAGPUAN UMANO ITO SA DAGAT NA SAKOP NG SITIO BIÑANAN AT IPINAGBIGAY ALAM NI BRGY. COUNCILOR ANDRES INVENTO SA SAN ANDRES, MUNICIPAL POLICE STATION.

AGAD NAMANG NAGTUNGO SA LUGAR ANG MGA OTORIDAD NA PINANGUNAHAN NI PO2 RICHARD MENDRIJE.

AYON SA IMBESTIGASYON DAKONG ALA-6:00 NG UMAGA NG ISANG MANGINGISDA ANG NAKADISKUBRE NG KATAWAN NA NAKALUTANG SA DAGAT, KUNG KAYA’T AGAD NIYA ITONG DINALA SA DALAMPASIGAN.

PATULOY PA RIN ANG IMBESTIGASYON, UPANG MALAMAN KUNG ANO ANG SANHI NG PAGKAMATAY NG BIKTIMA.

(Reported: Nov. 27, 2010) DZLT


ISANG BANGKAY NATAGPUAN

ISANG BANGKAY ANG NATAGPUAN KAMAKAILAN SA BAYAN NG SAN ANDRES QUEZON.

KINILALA ITONG SI ELEBERT DE LEON REÑO, 16 YEARS OLD, ISANG STUDYANTE AT RESIDENTE NG SITIO MANGGAHAN, BRGY. PANSOY.

NATAGPUAN UMANO ITO SA DAGAT NA SAKOP NG SITIO BIÑANAN AT IPINAGBIGAY ALAM NI BRGY. COUNCILOR ANDRES INVENTO SA SAN ANDRES, MUNICIPAL POLICE STATION.

AGAD NAMANG NAGTUNGO SA LUGAR ANG MGA OTORIDAD NA PINANGUNAHAN NI PO2 RICHARD MENDRIJE.

AYON SA IMBESTIGASYON DAKONG ALA-6:00 NG UMAGA NG ISANG MANGINGISDA ANG NAKADISKUBRE NG KATAWAN NA NAKALUTANG SA DAGAT, KUNG KAYA’T AGAD NIYA ITONG DINALA SA DALAMPASIGAN.

PATULOY PA RIN ANG IMBESTIGASYON, UPANG MALAMAN KUNG ANO ANG SANHI NG PAGKAMATAY NG BIKTIMA.

(Reported: Nov. 27, 2010) DZLT

PISO PA RIN

TUMATAAS NA NGA ANG MGA BILIHIN NGAYONG KAPASKUHAN, KABILANG NA ANG PRESYO NG TINAPAY.

GAYUNPAMAN TINIYAK PA RIN NG PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERS ASSOCIATION-INC O PFBAI NA HINDI TATAAS ANG PRESYO NG PINOY TASTY BREAD, NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN HANGGANG MATAPOS ANG TAON.

ISANG PANDESAL VENDOR NA SAKAY SA KANYANG BISIKLETA NA LUMILIBOT DITO SA MGA BARANGGAY SA POBLACION NG LUCENA ANG NAKAPANAYAM AT HININGAN NATIN NG OPINYON, TUNGKOL SA USAPIN SA PAGTAAS NG PRESYO NG TINAPAY.

AYON SA KANYA HINDI DAPAT UMANO MABAHALA ANG MGA CONSUMERS, SAPAGKAT PISO PA RIN KADA ISANG PANDESAL ANG PRESYO NG KANYANG ITINITINDA, NGUNIT HINDI NA ITO KASING LAKI NG DATI, SAPAGKAT TUMAAS NA RIN ANG PRESYO NG INGREDIENTS NG TINAPAY.

MAS MAINAM NA UMANONG BAWASAN NALANG NILA ANG LAKI NG TINAPAY AT PANATILIHIN ANG HALAGANG PISO KADA PANDESAL UPANG HINDI UMARAY SA PAGTAAS NG PRESYO ANG MGA MAMIMILI.

(Reported: Nov. 27. 2010) DZLT

NAGPAKILALANG PULIS ARESTADO

ISANG LASING NA LALAKI ANG DINAKIP MATAPOS MAGPAKILALANG PULIS KAHAPON.

AYON SA REPORT BANDANG ALA-5:00 KAHAPON HABANG NAGTITINDA SI ZYRYL PRAGO MENDONES, ISANG BALLOON VENDOR SA CATHERINE CHURCH SA BRGY. STA. CATALINA, PAGBILAO QUEZON.

NILAPITAN SIYA NG ISANG LASING NA LALAKI AT NAGPAKILALANG PULIS, TINANONG SIYA KUNG MAY DISCOUNT BA ANG PULIS AT KUNG GUSTO BA NIYA NG 45?

AGAD NAMANG TUMAKBO ANG TINDERO AT AGAD NA NAGTUNGO SA POLICE STATION AT NAGREPORT.

KINILALA ITONG SI DANILO SOTOMAYOR PORNASDORO NA RESIDENTE NG Brgy. Kanlurang Mayao, Lucena City AT NAPAG ALAMANG HINDI ITO PULIS AT HINDI MYEMBRO NG PNP.

KASALUKUYAN ITONG NASA KUSTODIYA NG PAGBILAO PNP.

(Reported: Nov. 26, 2010) DZLT

BABAE TUMILAPON PALABAS NG TRICYCLE

SA LOPEZ NAMAN ISA PA RING VEHICULAR ACCIDENT ANG NANGYARI NA SANGKOT NAMAN ANG 1 YAMAHA TRICYCLE NA MAY PLATE # WY-2520 NA MINAMANEHO NI LLOYD ORTIZ HERNANDEZ RESIDENTE NG BRGY. DEL PILAR, LOPEZ QUEZON AT ISANG VAN.

AYON SA IMESTIGASYON MINAMANEHO NG SUSPEK ANG KANYANG TRICYCLE GALING SA BAYAN NG LOPEZ PATUNGO SA BISINIDAD NG BRGY. SUGOD LOPEZ, NG ISANG VAN GALING SA KABILANG DIREKSYON ANG NAG-OVER TAKE SA ISANG SASAKYAN.

KUMANAN UMANO ANG TRICYCLE UPANG MAIWASAN ANG PAGKAKABANGGAAN HABANG NAHULOG SA KALSADA ANG KANYANG PASAHERO NA NAGTAMO NG MINOR INJURY SA IBA’T IBANG PARTE NG KATAWAN. AGAD NAMAN ITONG DINALA SA PAGAMUTAN.

KINILALA ANG BIKTIMA NA SI DONITA ROSE TORARAY SORIA 17 YEARS OLD AT RESIDENTE NG BRGY. SUGOD LOPEZ, QUEZON.

(Reported: Nov. 26, 2010) DZLT

PHILTRANCO BUS NAHAGIP NG TRAILER TRUCK

KAMAKAILAN ISANG AKSIDENTE NA NAMAN SA KALSADA ANG NAGANAP NA KINASANGKUTAN NG ISANG BUS AT ISANG TRUCK.

AYON SA INISYAL NA REPORT ISANG PHILTRANCO BUS NA MAY PLATE NUMBER EVK-144 NA MINAMANEHO NI ALBERTO BARIZO BASANTA NA NABYAHE GALING SA PASAY CITY PATUNGONG BICOL ANG AKSIDENTENG NAHAGIP NG ISANG TRAILER TRUCK HABANG BINABAGTAS ANG KAHABAAN NG MAHARLIKA HIGHWAY SA BRGY. TALABA ATIMONAN QUEZON.

HINDI PA MALAMAN ANG HALAGA NG PINSALANG NAIDULOT NG NASABING AKSIDENTE NGUNIT WALA NAMANG NAIULAT NA NASAKTAN.

HABANG PATULOY NAMAN ANG IMBESTIGASYON SA DI PA NAKIKILALANG SUSPEK.

(Reported: Nov. 26, 2010)DZLT

Monday, November 29, 2010

WANTED SA CALAPAN HULI SA UNISAN

ARESTADO ANG ISANG CRISANTO GAMBO PAR 29 Y/O AT RESIDENTE NG BRGY. NAVOTAS, CALAPAN CITY, ORRIENTAL MINDORO.

NADAKIP ANG SUSPEK SA BRGY. CAIGDAL, UNISAN, QUEZON SA PINAGSANIB NA ELEMENTO NG UNISAN MUNICIPAL POLICE AT SPO4 ASTACIO ATIENZA NG CALAPAN PNP.

ARESTADO ITO SA BISA NG ISANG WARRANT OF ARREST NA IN-ISSUE NI JUDGE TOMAS C. LEYNES NG RTC BR. 40, CALAPAN CITY SA KASONG ATTEMPTED RAPE.

ANG SUSPEK AY DINALA SA CALAPAN CITY PNP.

(Reported: Nov. 26, 2010) DZLT

2 WANTED ARESTADO

ARESTADO ANG ISANG WANTED PERSON NA KINILALANG SI JOSEPH BRAGIAS GABANZON 31 Y/O, MYEMBRO NG PHIL. ARMY AT RESIDENTE NG BRGY RIZAL ILAYA, CALAUAG, QUEZON, DAHIL SA CRIME OF GRAVE THREAT SA ILALIM NG CRIME CASE # 110699 NA MAY BAILBOND NA P1,000 NA IN-ISSUE NI JUDGE JACQUELINE ONGPAUCO NG MUNICIPAL TRIAL COURT BRANCH 69 PASIG CITY.

NAHULI ITO NG CALAUAG PNP SA PANGUNGUNA NI PO1 JASON JAN SENG AT NAKADETINADO NA SA CALAUAG MPL JAIL.

SAMANTALANG SA GUINAYANGAN, QUEZON NAHULI DIN ANG ISA PANG WANTED ITO AY SA PINAGSANIB NA MGA ELEMENTO NG SAN JUAN PNP AT BATANGAS PPO NA PINANGUNAHAN NI SPO2 LORENZO AFRICA COMIA AT ELEMENTO NG GUINAYANGAN PNP NA PINANGUNAHAN NAMAN NI PO3 ERNESTO G PACHO KASAMA SI PO3 CLARO L. CATAQUIZ JR.

ARESTADO SI GUILLERMO LOGATOC RAMOS, 45 Y/O ISANG MAGSASAKA AT RESIDENTE NG BRGY. ESCRIBANO SAN JUAN, BATANGAS. ITO AY SA BISA NG WARRANT OF ARREST SA KASONG FRUSTATED MURDER, FRUSTATED HOMICIDE AT FRUSTATED HOMICIDE IN RELATION TO RA 7610, SA ILALIM NG CRIMINAL CASE # . 5692-C, 5693-C, AT 5694-C, NA IN-ISSUE NI JUDGE MANUEL SALUMBIDES NG RTC BRANCH 63, CALAUAG QUEZON AT SLIGHT PHYSICAL INJURIES AT GRAVE COERCION SA ILALIM NAMAN NG CRIMINAL CASE # 9857 AT 9875 NA IN-ISSUE NAMAN NI JUDGE CHONA PULGAR-NAVARRO NG MTC GUINAYANGAN, QUEZON.

ANG NASABING SUSPEK AY NAKADETINADO NA SA GUINYANGAN MUNICIPAL JAIL .

(Reported: Nov. 25, 2010) DZLT


VEHICULAR ACCIDENT

NITO LAMANG MARTES ISANG VEHICULAR ACCIDENT ANG NANGYARI SA KAHABAAN NG MAHARLIKA HIGHWAY SA BRGY. LALIG NA KINASANGKUTAN NG ISANG JAC LINER PASSENGER BUS NA MAY PLATE # PXU 118 AT BODY #853 NA MINAMANEHO NI FLORENCIO BAUTISTA REYES NG SANTA ROSA 1, MARILAO, BULACAN AT ISANG JAM LINER PASSENGER BUS NA MAY PLATE # TXD 591 AT BODY # 719 KUNG SAAN ANG DRIVER AY KINILALANG SI EDGARDO JOSOL MEJARES NG BLOCK 33, LOT 14, KRISANTA VILLAGE, QUEZON CITY.

ANG NASABING JAC LINER BUS AY PAGMAMAY-ARI NG JAC LINER INC., NG 119 KAMUNING, QUEZON CITY HABANG ANG JAM LINER BUS AY SA JAM LINER INC., NG PULONG SANTA CRUZ, SANTA ROSA, LAGUNA.

AYON SA REPORT BANDANG 5:20 NG MADALING ARAW NG MAKATANGGAP NG TAWAG ANG TIAONG MUNICIPAL POLICE STATION MULA SA ISANG CONCERN CITIZEN NA DI UMANO’Y 2 BUS ANG NAGBANGGAAN, AGAD NAMANG PINUNTAHAN NG MGA NAKADUTY NA IMBESTIGADOR NA SINA PO3 SHERWIN BONSOL KASAMA SINA SPO1 IBARRA ALOJADO, PO2 SANDRO AGUILO AT PO1 FRANCISCO ALMAZAN JR. ANG PINANGYARIHAN NG INSIDENTE.

LUMALABAS SA IMBESTIGASYON NA AKSIDENTENG NABANGGA NG JAM LINER BUS ANG HULIHANG BAHAGI NG JAC LINER BUS KUNG SAAN ITO AY NAPINSALA HABANG ANG JAM AY SIRA DIN ANG GAWING UNAHAN.

NANGAKO NAMAN ANG JAM LINER, NA MANANAGOT SA MGA PINSALANG NAIDULOT NG AKSIDENTE.

(Reported: Nov. 25, 2010) DZLT

SUICIDE INCIDENT

DEAD ON ARRIVAL ANG ISANG BINATA NG ISINUGOD SA ROSALES HOSPITAL SA SAN ANTONIO, QUEZON MATAPOS MAG-SUICIDE.

AYON SA REPORT, NAGPATIWAKAL BANDANG 10:40 NG UMAGA ANG BIKTIMA, NAKITA UMANO ITO NG ISANG MISS DIANA DAKPANO NG DUMATING SA KANILANG BAHAY AT NATAGPUANG NAKABITIN SA KISAME NA MAY TALING NAKAPULUPOT SA LEEG, KUNG KAYA’T AGAD SIYANG HUMINGI NG TULONG.

PERSONAL NAMANG INIREPORT KAAGAD NI BRGY. COUNCILOR FRANCISCO MASILUNGAN NG BRGY. BULIRAN, SAN ANTONIO SA MUNICIPAL POLICE ANG NATURANG INSIDENTE.

SA LUGAR NA PINANGYARIHAN NATAGPUAN NG MGA IMBESTIGADOR ANG ISANG SUICIDE LETTER NA NAKAPANGALAN SA GIRLFRIEND NITONG SI BABY.

ANG IMBESTIGASYON AY PATULOY PA RIN UPANG MALAMAN KUNG MAY FOUL PLAY NA NAGANAP SA NASABING SUICIDE INCIDENT.

(Reported: Nov. 25, 2010) DZLT


Sunday, November 28, 2010

2 PAWIKAN NASAGIP

Arestado ang 3 suspek sa kasong VIOLATION OF RA 8550 sa pinagsanib na pwersa ng Tagkawayan PNP at Bantay Dagat na pinangunahan ni Victor Randy Banaag.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Tagkawayan Municipal Police Station, napag-alaman na may dala umanong 2 buhay na lalaking pawikan sakay ng isang Kawasaki Bajaj Motorcycle, sina Letecia Fernandez Valdez, isang fish vendor, Luis Cantronuevo Valdez at Roland Cantronuevo Valdez, mga tubong residente ng Brgy. Tabason, Tagkawayan Quezon, ng Napag-alaman din na nabili ang nasabing pawikan sa isang Joselito Mendoza, isang fishpen owner sa Brgy. Pasay Del Gallego Cam Sur sa halagang P500.00.

Dinala ang mga suspect sa Municipal Agriculture Office, Tagkawayan, Quezon.

(Reported: Nov. 23, 2010) DZLT

VEHICULAR ACCIDENT

ISANG VEHICULAR ACCIDENT ANG NANGYARI KAMAKAILAN SA KAHABAAN NG MAHARLIKA HIGHWAY, BRGY. BUKAL, PAGBILAO QUEZON.

AYON SA REPORT ISANG TOYOTA HI-ACE NA MAY PLATE # XML-316 NA NAKA-REHISTRO SA PANGALAN NG SISTER OF SAINT PAUL NA MY POST ADDRESS NA CANDON CITY, ILOCOS SUR, NA MINAMANEHO NI LEARNED RELENTE RIVERA 27 Y/O, ISANG OFFICE CLERK, ANG NABANGGA NG ISANG FRITS PRIVATE JEEPNEY NA MAY PLATE # DVV-760 NA MINAMANEHO NAMAN NI ASPERINIO RAMIREZ ORIOLA.

PAKALIWA UMANO ANG NASABING TOYOTA PAPUNTANG PENINSULA SUBD. NG MABANGGA NG PRIVATE JEEPNEYANG KANANG BAHAGI NITO HABANG BINABAGTAS ANG MAHARLIKA HIGHWAY GALING SA LUCENA CITY PAPUNTANG PAGBILAO QUEZON, ITO AY NAGING RESULTA NG HINDI PA MALAMANG HALAGA NG KASIRAAN.
UNDER INVESTIGATION ITO AT NASA ILALIM NG KUSTODIYA NG PAGBILAO MUNICIPAL POLICE STATION.

(Reported: Nov. 22, 2010) DZLT

ARESTADO

Arestado si Eduardo Cena Rosas alias Tanik Rosas, 31 y/o at residente ng Purok Camia, Hermana Fausta Subd. Brgy. Silangang Mayao, Lucena City.

Ang suspek ay isa sa wanted person, ito ay nadakip sa kanyang lugar sa pamamagitan ng grupo na pinangunahan ni Police Senior Inspector Fernando Reyes III, ang akusado ay may warrant of arrest para sa kaso ng Frustated Murder, na in-issue ni Judge Adolfo Encomienda ng Regional Trial Court, Branch. 57, Lucena City sa ilalim ng Crime Case #. 2007-80 na may bailbond na p200,000. ang nasabing akusado ay naka detinado sa Lucena City lock-up jail.

(Reported: Nov. 22, 2010) DZLT

ISA SA TOP MOST WANTED PERSON ARRESTADO

ARESTADO ANG ISA SA TOP MOST WANTED PERSON KAMAKAILAN NA SI JOEL PERJES BITUIN, 24 Y/O AT TUBONG RESIDENTE NG ILAYANG ILASAN, TAYABAS QUEZON.

DAHIL SA ORDER OF ARREST, INARESTO NG GRUPO NA PINANGUNAHAN NI SPO2 ANDRES BONIFACIO N. ESMILLER ANG SUSPEK SA KRIMEN NA ATTEMPTED HOMICIDE NA IN-ISSUE NI JUDGE LOURDES M. CASCO NG MUNICIPAL TRIAL COURT NG TAYABAS QUEZON.

NAPAG-ALAMAN NA ANG NATURANG SUSPEK AY IKA-TOP 20 NA MOST WANTED PERSON SA MUNICIPAL LEVEL AT SA KASALUKUYAN AY NAKA-DETINADO SA QUEZON PROVINCIAL JAIL, LUCENA CITY.

(Reported: Nov. 22, 2010) DZLT

Saturday, November 27, 2010

ILEGAL NA AKTIBIDAD BISTADO

ISANG CONCERNED CITIZEN NG BRGY. AYUSAN 2, TIAONG QUEZON ANG NAG-REPORT KAMAKAILAN, NA DI UMANO’Y ISANG ILLEGAL GAMBLING ACTIVITY NA COLOR GAME ANG INO-OPERATE SA NASABING BARANGAY.

AGAD NAMANG INAKSYUNAN NG TIAONG PNP ANG NASABING REPORT NA NAGRESULTA SA PAGKUMPISKA NG 4 NA SET NG COLOR GAME PARAPHERNALIA, NA NAPAG-ALAMANG PAGMAMAY-ARI NG ISANG DELIA TRIGO ROSUELLO, NA HINDI NAMAN NATAGPUAN SA GINAWANG OPERASYON.

ANG MGA ITEMS NA NAKUMPISKA AY DINALA SA TIAONG MUNICIPAL POLICE STATION PARA SA PROPER DISPOSITION.

(Reported: Nov. 20, 2010) DZLT

VEHICULAR ACCIDENT

Isang Vehicular Accident ang nangyari kamakailan sa bahagi ng bayan ng Catanauan, Quezon kung saan sangkot ang isang tricycle na minamaneho ng isang lalaki at pasahero ang kanyang live-in partner.

Ayon sa report bandang nine:thirty pm (9:30) ang nasabing KAWASAKI BAJAJ tricycle na may plate # na 3823-WH na minamaneho ni Remegio San Miguel, 20 y/o, 2nd yr college, isang fish vendor at tubong residente ng Brgy. San Diego, Gumaca Quezon ay aksidenteng nabangga, sa railings sa kahabaan ng National Road, Brgy Tagabas Ibaba, Catanauan, Quezon, na naging sanhi ng pag-over turn ng tricycle.

Kung saan naging sanhi ito ng serious physical injuries ni Remegio at live-in partner na si Irene Cabangon Cantre, 34 yo na napag-alaman ding 6 na buwang buntis.

Ang mga biktima ay dinala sa Bondoc Peninsula Dist Hospital para sa medical treatment ngunit ang biktimang si Irene ay nasawi.

Dinala na rin sa Lucena City ang driver para sa karagdagang medical treatment.

(Reported: Nov. 20, 2010) DZLT

PRODUKTONG ORGANIKO TANGKILIKIN

MAGLALAGAY NG INISYAL NA P900 MILLION FUND ANG DEPT. OF AGRICULTURE SA BADYET NITO SA SUSUNOD NA TAON UPANG MAKATULONG SA PAGDARAGDAG NG ORGANIC AGRICULTURE PROGRAM NG BANSA.

AYON KAY DA SEC. PROCESO ALCALA ANG BUDGET PARA SA AGRIKULTURA AY GAGAMITIN PARA SA ORGANIC AGRICULTURE ACT OF 2010 O REPUBLIC ACT. NO. 10068, NA KANYA RING INAKDA, NOONG SIYA PA ANG CONGRESSIONAL REPRESENTATIVE NG 2ND DISTRICT NG QUEZON PROVINCE NOONG 14TH CONGRESS.

ANIYA ANG NASABING PONDO AY MAKAKATULONG SA ISYU PATUNGKOL SA PROGRAMA, KABILANG NA ANG POLICY FORMULATION AT REGISTRATION, ACCREDITATION, CERTIFICATION AT LABELING.

ANG PONDO AY GAGAMITIN DIN UMANO SA PROMOTION, RESEARCH AT DEVELOPMENT NG ORGANIC AGRICULTURE AT PROGRAM IMPLEMENTATION AT PROVISION AT DELIVERY SUPPORT SERVICES SA MAGSASAKA.

AT MAGING SA PAGPAPANUKALA O PAGSULONG NA TANGKILIKIN LAMANG ANG MGA ORGANIC PRODUCTS AT GUMAMIT LANG NG ORGANIC FERTILIZER KESA SA NAKAMAMATAY NA SYNTHETIC CHEMICALS NA GINAGAMIT SA FERTILIZER AT PESTICIDES, GROWTH HORMONES PARA SA LIVESTOCK AT MONOCULTURES.
SAPAGKAT SA PAGKAING ORGANIKO, KALUSUGAN MO’Y SIGURADO

(Reported: Nov. 20, 2010) DZLT

SHOOTING INCIDENT

Sa San Andres isang shooting incident o kaso ng pamamaril ang nai-report kamakailan. Kung saan isang residente ng Brgy Pansoy, San Andres, Quezon ang nabaril.

Ayon sa report bandang alas-11:30 ng gabi ng mangyari ang pamamaril sa Sitio Santiago kung saan isang biktima na kinilalang si Reynante Razo ang natamaan ng bala ng baril.

Sa pagkakaalam ng nasabing insidente agad na rumesponde ang mga elemento ng San Andres Police at 3rd platoon ng QPPSMC kung saan naaresto pasado alas dose na ng hating gabi ang suspek na si Yanly Culo, 39 yo na residente din ng nasabing lugar, nakumpiska din ang ginamit nitong baril na Cal .38 pistol.

Ang biktima ay isinugod sa ospital para sa medical treatment habang nasa ilalim ng kustodiya ng San Andres Police Station ang suspek at under investigation.

(Reported: Nov. 19, 2010) DZLT

WANTED ARESTADO

Sa Spot Report ng Lucban PNP, Arestado ang ilang “Wanted Person” kamakailan sa bayan ng Lucban Quezon.

Bandang alas-5:45 ng umaga ng maaresto sina Eleanor Oracion Rada, 35 yo, residente ng Maderal Compound, Brgy Palola, Lucban, Quezon at Guillermo Oracion Salumbides, 78 yo, residente ng Racelis Compd, Brgy Abang, Lucban, Quezon.

Naaresto ang mga suspek na kapwa magsasaka ng mga elemento ng Lucban Municipal Police Station na sina SPO3 Abraham, PO3 Bebida, PO3 Almacen, PO3 Abejo, PO2 De Vargas at PO1 Come sa General Lucban St, Brgy 4, Lucban, Quezon sa bisa ng Warrant Of Arrest (WOA) na inissue ni Judge Marienette Devela Padua ng Municipal Trial Court ng Lucban, Quezon at Judge Romeo Villanueva ng Regional Trial Court Branch 60, Lucena City.

Ang mga akusado ay kasalukuyang naka-detinado sa Lucban Municipal Jail.

(Reported: Nov. 19, 2010) DZLT

HULI KAYO

Isang kaso ng pagnanakaw ang nai-report sa bayan ng Mulanay, na kinasangkutan ng 5 magsasaka, ang mga suspek ay kinilalang sina Rogelio Adan Umaga, 57 yo, Rogelio Funtillar Mendenueta, 48 yo, Marvin Palino Malapad, 23 yo, Roger Regalado Gonzales, 32 yo, at Jessie Gonzales Palino, 32 yo na mga residente ng Brgy Mabini, Mulanay, Quezon.

Ayon sa report kay PO3 Noel Palmiano noong martes dakong alas-8:44 ng umaga ang biktimang si Demetrio Fuerte Garcia Jr, 56 yo, na isa ring magsasaka at residente ng Brgy Poblacion II, Mulanay, Quezon. ay nahuli sa akto ang 5 suspek sa ginagawang pagnanakaw ng mga buko o niyog sa kanyang plantasyon, na humigit kumulang isang libong piraso na nagkakahalaga ng P8,000.00.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng Mulanay Police Station habang sumasailalim sa imbestigasyon

(Reported: Nov. 19, 2010) DZLT

MANGANAK LAMANG SA LIGTAS NA LUGAR

ILANG PANUKALANG BATAS ANG IPINASA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA LUPON NG KALUSUGAN NA PINAMUMUNUAN NI KGG. TERESITA O. DATOR:

DAHIL SA PAGKAKAROON NG KASO NG IMPEKSIYON AT DELIKADONG KONDISYON NG ISANG BUNTIS SA PANGANGANAK ISANG BATAS ANG IPINANUKALA UPANG MAPANGALAGAAN NA DIN ANG KALIGTASAN AT KALUSUGAN NG MGA INA.

ISA DITO AY ANG MUNICIPAL ORDINANCE NO. 052, SERIES OF 2010 KUNG SAAN LAYUNIN NITO NA MAPANGALAGAAN ANG MGA KABABAIHAN PARTIKULAR NA ANG MGA BUNTIS NA MANGANAK LANG UMANO SA MGA LIGTAS NA LUGAR NA APRUBADONG HEALTH FACILITY TULAD NG HEALTH CENTER O OSPITAL,

NANG SA GAYON AY MAPANGALAGAAN HINDI LAMANG ANG INA KUNDI ANG SANGGOL NA DINADALA NITO.

(Reported: Nov. 18, 2010) DZLT

MANGANAK LAMANG SA LIGTAS NA LUGAR

ILANG PANUKALANG BATAS ANG IPINASA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA LUPON NG KALUSUGAN NA PINAMUMUNUAN NI KGG. TERESITA O. DATOR:

DAHIL SA PAGKAKAROON NG KASO NG IMPEKSIYON AT DELIKADONG KONDISYON NG ISANG BUNTIS SA PANGANGANAK ISANG BATAS ANG IPINANUKALA UPANG MAPANGALAGAAN NA DIN ANG KALIGTASAN AT KALUSUGAN NG MGA INA.

ISA DITO AY ANG MUNICIPAL ORDINANCE NO. 052, SERIES OF 2010 KUNG SAAN LAYUNIN NITO NA MAPANGALAGAAN ANG MGA KABABAIHAN PARTIKULAR NA ANG MGA BUNTIS NA MANGANAK LANG UMANO SA MGA LIGTAS NA LUGAR NA APRUBADONG HEALTH FACILITY TULAD NG HEALTH CENTER O OSPITAL,

NANG SA GAYON AY MAPANGALAGAAN HINDI LAMANG ANG INA KUNDI ANG SANGGOL NA DINADALA NITO.

(Reported: Nov. 18, 2010) DZLT

STREET CHILDREN

MARAMI NA NGA ANG BILANG NG MGA KABATAAN NGUNIT HINDI LAHAT AY PINALAD NA MAGKAROON NG MAGANDANG BUHAY, ILAN NA NGA DITO AY ANG MGA STREET CHILDREN, MGA ABANDONED CHILD, MGA MINOLESTIYA O KAYA NAMAN AY NALIGAW NG LANDAS.

ANG PAGKALAT NG MGA STREET CHILDREN SA BAYAN NG LUCENA CITY AY ISA SA MGA HINDI PA MAPUKSA-PUKSANG SULIRANIN. ANG ILAN SA MGA BATA AY MGA GALING PA UMANO SA MALALAYONG LUGAR, SAMANTALA KARAMIHAN NAMAN SA MGA MAKIKITA NA BATA AY MAY MGA MAGULANG PA AT NAKATIRA LANG UMANO SA MGA KALAPIT BRGY.

KUNG KAYA ANG MGA MAGULANG NG MGA NASABING BATA NA TAGA RITO LANG SA LUCENA AY PINANANAWAGAN AT PINAKIKI-USAPAN NG DEPT. OF SOCIAL WELFARE & DEVELOPMENT O DSWD NA SANA’Y HUWAG NILANG HAYAAN ANG KANILANG MGA ANAK NA MAGPA-ULI-ULI SA LANSANGAN DAHIL BUKOD SA DELIKADO AY MAAARI PA UMANO SILANG MADAPUAN NG IBA’T IBANG URI NG SAKIT.

SA ATING PAKIKIPANAYAM SA PAMUNUAN NG SOCIAL WELFARE COMPLEX SA BAHAGI NG ZABALLERO SUBD. BRGY. GULANG-GULANG. NAKA-USAP KO PO SI GNG. CHRISTINA FERNANDEZ, SOCIAL WELFARE OFFICER I.

AT ATING ITINANONG ANG TUNGKOL SA MGA STREET CHILDREN PARTIKULAR NA SA BAHAGI NG BIGMAK SA QUEZON AVE. KUNG ANO ANG AKSYON NILA UKOL DITO, KUNG SAAN ANG MGA BATANG NAKATAMBAY AY DOON NA HUMIHIGA SA SIMENTO KUNG SAAN WALANG LATAG AT MAAARI SILANG MALAMIGAN AT MADAPUAN NG SAKIT.

AYON KAY GNG. FERNANDEZ ANG MGA BATANG ITO AY NADALA NA UMANO SA KANILA AT KANILANG SINAMAHAN PABALIK SA KANILANG MGA MAGULANG AT NAGKAROON SILA NG AGREEMENT O KASUNDUAN NA PANGANGALAGAAN NILA AT PAG-AARALIN ANG KANILANG MGA ANAK.

NGUNIT ANG NANGYARI PAGKARAAN NG ILANG ARAW AY NAKITA NA MULI ANG MGA BATANG ITO SA LANSANGAN. DAGDAG PA DITO BILANG LANG SA MGA STREET CHILDREN ANG ABANDONED CHILD O MGA BATANG ULILA NA TALAGA.

BINIGYAN DAAN DIN NATIN ANG ISA PANG KATANUNGAN TUNGKOL SA KAPARUSAHAN SA MGA MAGULANG NA NAG-PAPABAYA SA KANILANG MGA ANAK.]
DAPAT UMANO AY MAY MAGHAHABLA O MAGREREKLAMO SA AKUSADONG MAGULANG. PAG NAMAN INIREKLAMO DADAAN PA DIN SA MAHABANG PROSESO DAHIL MAY MGA IKINO-KONSIDERA PA, HALIMBAWA, YUNG HINAHABLA BAKA MAY MGA ANAK PANG INAALAGAAN O KAYA SYA YUNG NAGHAHANAP-BUHAY AT KUNG ANU-ANO PA.

NGUNIT KUNG MERONG MGA INAABANDONA MERON DIN NAMAN HANDANG KUMALINGA SA KANILA BUKOD SA DSWD O BAHAY AMPUNAN, ETO AY ANG TINANATAWAG NA FOSTER PARENTS.

SA NGAYON MAY MGA VOLUNTARY FOSTER PARENTS SA DSWD ITO AY ANG MGA MAG-ASAWA NA GUSTONG UMAMPON, O MAGKALINGA NG BATA.

NGUNIT BAGO RIN MAGING FOSTER PARENT DAPAT DUMAAN PA RIN SA MAHABANG PROSESO. UNA, KAILANGAN MAG-APPLY SILA SA DSWD BILANG FOSTER PARENT, BAGO MABIGYAN NG PERMIT TO ADOPT, KAILANGAN NG BACKGROUND CHECK AT KUNG MAY KAKAYANAN SILA NA MAG-ADOPT.

MAY MGA REQUIREMENTS DIN PO NA DAPAT IPASA ANG MAG-ASAWA TULAD NG BRGY. AT POLICE CLEARANCE NILANG MAG-ASAWA AT ANG IBA PANG REQUIREMENTS AY MAAARI PO NINYONG ITANONG SA TANGGAPAN NG DSWD SA SOCIAL WELFARE COMPLEX LOCATED SA ZABALLERO SUBD. BRGY GULANG-GULANG LUCENA CITY.

(Reported: Nov. 16, 2010 ) DZLT

Friday, November 12, 2010

DSWD-PROGRAMA PARA SA MGA STREET CHILDREN

ISANG PROGRAMA ANG ISINAGAWA NOONG NOV.11, 2010 NG DSWD SA KANILANG SHELTER SA BAHAGI NG ZABALLERO SUBD.LUCENA CITY

ANG NASABING PROGRAMA AY PARA SA MGA BATANG DOON AY NANINIRAHAN NA, PAGPAPASALAMAT NA RIN ITO SA INA NG DSWD NA SI GNG. LOURDES “LULU” RUANTO, SA KANYANG PAG-AALAGA SA MGA BATANG ITINURING NA NIYANG MGA ANAK.

ANG NASABING EVENT AY DINALUHAN NG MGA GURO, ILANG PULIS (PNP), BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP) OFFICER, IBA PANG PULITIKO AT MGA SPONSORS NG DSWD.


(Reported: Nov. 12, 2010) DZLT

MGA ORDINANSA NG ATIMONAN QUEZON

SA ISINAGAWANG SESYON NOONG LUNES, PARA SA LUPON NG AGRIKULTURA, 3 BATAS ANG IPINANUKALA NG SANGGUNIANG BAYAN NG ATIMONAN QUEZON, ITO AY ANG MGA SUMUSUNOD:

MUNICIPAL ORDINANCE NO. 2008-216 NA MAY PAMAGAT NA: “AN ORDINANCE REQUIRING THE REGISTRATION OF FISHING VESSELS 3 GROSS TONNAGE ANG BELOW AND REGISTRATION OF FISHERFOLK IN THE MUNICIPALITY OF ATIMONAN PROVINCE OF QUEZON, PROVING PENALTIES FOR VIOLATION THEREOF”

ORDINANSA MUNISIPAL BLG. 2008-221 – “ORDINANSA MUNISIPAL NA NAGTATAKDA NG MGA PATAKARAN AT ALITUNTUNIN NA DAPAT SUNDIN NG SINUMANG TAO, MGA TAO, SAMAHAN O KAPISANAN NG MGA TAO NA NAGMAMAY-ARI, NAMAMAHALA O NANGANGASIWA NG PAGBA-BABUYAN (PIGERRY PROJECT/FARM) O PAGMA-MANUKAN (POULTRY PROJECT/FARM) AT LAHAT NG URI NG KAHALINTULAD NA MGA HAYOP, SA BAYAN NG ATIMONAN AT NAGTATAKDA NG MULTA AT KAPARUSAHAN SA SINUMANG DITO AY LUMABAG.”

AT ANG MUNICIPAL ORDINANCE NO. 2009-231 – “AN ORDINANCE SUPPORTING THE “GULAYAN SA PAARALAN” PROGRAM, PROVIDING TECHNICAL MECHANISM FOR LOCAL GOVERNMENT’S PARTICIPATION AND FUNDS FOR THE PURPOSE”
NAPAGPASIYAHAN NG LUPON NG AGRIKULTURA NA IREKOMENDA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA PAGTIBAYIN ANG MGA NASABING ORDINANSA NG SANGGUNIANG BAYAN NG ATIMONAN, QUEZON BATAY SA GINAWANG PAG-AARAL NG LUPON.

AT SA SANGGUNIANG BAYAN NAMAN NG INFANTA QUEZON “ISANG BATAS PAMBAYAN NA NAG-AATAS/NAG-UUTOS NA IBALIK SA KARAGATAN ANG NAHULING IBA’T IBANG URI NG SEMILYANG DAGAT RESULTA NG PANINIMILYA NG BANGUS AT SUGPO”
AT ANG MUNICIPAL ORDINANCE NO.35-2009 (RESOLUTION NO. 211-2009)- NA NAGBABAWAL SA PAGBEBENTA NG SIGARILYO AT IBA PANG TOBACCO PRODUCTS SA MGA MINORS

(Reported:Nov. 10, 2010) DZLT

Thursday, November 11, 2010

MGA MAMAMAYAN PINAG-IINGAT

KUNG SA NAKARAANG UNDAS AY MAY MGA INSIDENTE NG PAMAMASOK NG BAHAY AT PANDURUKOT SA MGA MATATAONG LUGAR, NGAYON NAMAN NA PAPALAPIT NA ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY ITO PA RIN ANG IPINAPANGAMBA .

AYON SA ISANG GINANG NA AKING NAKAPANAYAM, KUNG NOONG NAKARAANG UNDAS AY HINDI PINALAMPAS NG MGA KAWATAN, NGAYON PA KAYANG KAPASKUHAN NA ALAM NA ALAM NILANG BIGAYAN NA NG BONUS SILA AY IMPOSIBLENG HINDI MAMBIBIKTIMA.

KUNG KAYA NAMAN HUMIHINGI NG SEGURIDAD ANG ATING MGA KABABAYAN KUNG SAAN ALAM NAMAN NATIN NA DADAGSA NGAYON ANG MGA MASASAMANG LOOB.

PAALALA NAMAN NG ATING KAPULISAN, DISYEMBRE NA NAMAN, ITO ANG PAGTAAS DIN NG KASO NG NAKAWAN, KUNG KAYA’T IBAYONG PAG-IINGAT SA ATING PAGLABAS SA MATAO MAN O SA WALANG TAONG LUGAR.

KUNG MAGWI-WITHDRAW LALO’T SA MGA ATM NA WALANG SARADO ANG PALIGID O YUNG MGA NASA LABAS, MAINAM NA DAPAT MAY KASAMA AT WAG MAG-IISA LALO NA AT MADILIM SA DAKONG IYON.

MAINAM DIN NA HUWAG MASYADONG MAGLABAS O KAYA NAMAN AY MAGHALUNGKAT NG BAG NA MAY CASH SA MATATAONG LUGAR SAPAGKAT MAINIT ITO SA MGA MATA NG MGA KAWATAN.

IWASAN RIN ANG MAGSUOT NG MARARAMI AT MAKIKINANG NA ALAHAS LALO NA KUNG MAKIKIPAGSIKSIKAN SA MGA MATATAONG LUGAR.

MAGING MAPANURI RIN SA PALIGID LALO NA SA MGA MALLS, BAKA KAYO’Y MABIKTIMA NG LASLAS GANG, O YUNG MGA NAGLALASLAS NG BAG.

NGAYON NAMAN AY UMAALERTO NA ANG ATING MGA KAPULISAN SA DARATING NA KAPASKUHAN. NGUNIT PAKI-USAP NG ILANG MGA LUCENAHIN, SANA’Y HINDI LAMANG SA MATATAO MAG BANTAY O MAGPATROL ANG MGA PULIS PATI NA RIN SANA SA MGA MADIDILIM NA KALYE, PARTIKULAR NA ANG BAHAGI NA PAPUNTA SA PEREZ PARK, KUNG SAAN NANDON ANG MGA BANKO, AT ANG ILANG ATM, AY NASA LABAS.

(Reported: Nov. 11, 2010)DZLT

MGA MAMAMAYAN PINAG-IINGAT

KUNG SA NAKARAANG UNDAS AY MAY MGA INSIDENTE NG PAMAMASOK NG BAHAY AT PANDURUKOT SA MGA MATATAONG LUGAR, NGAYON NAMAN NA PAPALAPIT NA ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY ITO PA RIN ANG IPINAPANGAMBA .

AYON SA ISANG GINANG NA AKING NAKAPANAYAM, KUNG NOONG NAKARAANG UNDAS AY HINDI PINALAMPAS NG MGA KAWATAN, NGAYON PA KAYANG KAPASKUHAN NA ALAM NA ALAM NILANG BIGAYAN NA NG BONUS SILA AY IMPOSIBLENG HINDI MAMBIBIKTIMA.

KUNG KAYA NAMAN HUMIHINGI NG SEGURIDAD ANG ATING MGA KABABAYAN KUNG SAAN ALAM NAMAN NATIN NA DADAGSA NGAYON ANG MGA MASASAMANG LOOB.

PAALALA NAMAN NG ATING KAPULISAN, DISYEMBRE NA NAMAN, ITO ANG PAGTAAS DIN NG KASO NG NAKAWAN, KUNG KAYA’T IBAYONG PAG-IINGAT SA ATING PAGLABAS SA MATAO MAN O SA WALANG TAONG LUGAR.

KUNG MAGWI-WITHDRAW LALO’T SA MGA ATM NA WALANG SARADO ANG PALIGID O YUNG MGA NASA LABAS, MAINAM NA DAPAT MAY KASAMA AT WAG MAG-IISA LALO NA AT MADILIM SA DAKONG IYON.

MAINAM DIN NA HUWAG MASYADONG MAGLABAS O KAYA NAMAN AY MAGHALUNGKAT NG BAG NA MAY CASH SA MATATAONG LUGAR SAPAGKAT MAINIT ITO SA MGA MATA NG MGA KAWATAN.

IWASAN RIN ANG MAGSUOT NG MARARAMI AT MAKIKINANG NA ALAHAS LALO NA KUNG MAKIKIPAGSIKSIKAN SA MGA MATATAONG LUGAR.

MAGING MAPANURI RIN SA PALIGID LALO NA SA MGA MALLS, BAKA KAYO’Y MABIKTIMA NG LASLAS GANG, O YUNG MGA NAGLALASLAS NG BAG.

NGAYON NAMAN AY UMAALERTO NA ANG ATING MGA KAPULISAN SA DARATING NA KAPASKUHAN. NGUNIT PAKI-USAP NG ILANG MGA LUCENAHIN, SANA’Y HINDI LAMANG SA MATATAO MAG BANTAY O MAGPATROL ANG MGA PULIS PATI NA RIN SANA SA MGA MADIDILIM NA KALYE, PARTIKULAR NA ANG BAHAGI NA PAPUNTA SA PEREZ PARK, KUNG SAAN NANDON ANG MGA BANKO, AT ANG ILANG ATM, AY NASA LABAS.

MGA MAMAMAYAN PINAG-IINGAT

KUNG SA NAKARAANG UNDAS AY MAY MGA INSIDENTE NG PAMAMASOK NG BAHAY AT PANDURUKOT SA MGA MATATAONG LUGAR, NGAYON NAMAN NA PAPALAPIT NA ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY ITO PA RIN ANG IPINAPANGAMBA .

AYON SA ISANG GINANG NA AKING NAKAPANAYAM, KUNG NOONG NAKARAANG UNDAS AY HINDI PINALAMPAS NG MGA KAWATAN, NGAYON PA KAYANG KAPASKUHAN NA ALAM NA ALAM NILANG BIGAYAN NA NG BONUS SILA AY IMPOSIBLENG HINDI MAMBIBIKTIMA.

KUNG KAYA NAMAN HUMIHINGI NG SEGURIDAD ANG ATING MGA KABABAYAN KUNG SAAN ALAM NAMAN NATIN NA DADAGSA NGAYON ANG MGA MASASAMANG LOOB.

PAALALA NAMAN NG ATING KAPULISAN, DISYEMBRE NA NAMAN, ITO ANG PAGTAAS DIN NG KASO NG NAKAWAN, KUNG KAYA’T IBAYONG PAG-IINGAT SA ATING PAGLABAS SA MATAO MAN O SA WALANG TAONG LUGAR.

KUNG MAGWI-WITHDRAW LALO’T SA MGA ATM NA WALANG SARADO ANG PALIGID O YUNG MGA NASA LABAS, MAINAM NA DAPAT MAY KASAMA AT WAG MAG-IISA LALO NA AT MADILIM SA DAKONG IYON.

MAINAM DIN NA HUWAG MASYADONG MAGLABAS O KAYA NAMAN AY MAGHALUNGKAT NG BAG NA MAY CASH SA MATATAONG LUGAR SAPAGKAT MAINIT ITO SA MGA MATA NG MGA KAWATAN.

IWASAN RIN ANG MAGSUOT NG MARARAMI AT MAKIKINANG NA ALAHAS LALO NA KUNG MAKIKIPAGSIKSIKAN SA MGA MATATAONG LUGAR.

MAGING MAPANURI RIN SA PALIGID LALO NA SA MGA MALLS, BAKA KAYO’Y MABIKTIMA NG LASLAS GANG, O YUNG MGA NAGLALASLAS NG BAG.

NGAYON NAMAN AY UMAALERTO NA ANG ATING MGA KAPULISAN SA DARATING NA KAPASKUHAN. NGUNIT PAKI-USAP NG ILANG MGA LUCENAHIN, SANA’Y HINDI LAMANG SA MATATAO MAG BANTAY O MAGPATROL ANG MGA PULIS PATI NA RIN SANA SA MGA MADIDILIM NA KALYE, PARTIKULAR NA ANG BAHAGI NA PAPUNTA SA PEREZ PARK, KUNG SAAN NANDON ANG MGA BANKO, AT ANG ILANG ATM, AY NASA LABAS.

FRATERNITIES AT SORORITIES PINAGBABAWALANG MANGHIKAYAT NG MGA MENOR DE EDAD UPANG GAWING MIYEMBRO

ISA NGA SA PROBLEMA NG ATING LIPUNAN ANG DUMARAMING KASO NG MGA KASAPI NG FRATERNITY AT SORORITY SA BANSA. ANG FRATERNITY AT SORORITY AY GALING SA SALITANG LATIN NA FRATER AND SOROR, NA ANG IBIG SABIHIN AY "BROTHER" AND "SISTER”, ITO AY ISANG SAMAHAN NG KAPATIRAN, NGUNIT HINDI GANITO ANG NANGYAYARI .

NABALITAAN KAMAKAILAN ANG ISA NA NAMANG NAMATAY DAHIL SA HAZING, KAYA UMALMA NA ANG ILANG MGA MAGULANG DAHIL SA HINDI NA UMANO MAKATAO ANG ISINASAGAWANG INITIATION.

ISA PA SA IKINABABAHALA NG MGA MAGULANG, DEPED AT DSWD AY ANG PAGKAKAROON NG MGA BATANG MIYEMBRO NG NASABING SAMAHAN, KUNG GANITONG PABATA NG PABATA ANG NAGIGING KASAPI NG KAPATIRANG ITO NALALAGAY UMANO SA PANGANIB ANG MGA BATA LALO’T DADAAN SA KONTROBERSYAL NA FINAL INITIATION.

ISA ITO SA DAHILAN KUNG KAYA’T ISANG BATAS ANG IPINANUKALA SA LUPON NG YOUTH AT BATAS SA ISANG BAYAN SA LALAWIGAN NG QUEZON.

ANG NASABING BATAS AY ANG ORDINANCE NO. 2009-6 NG SANGGUNIANG BAYAN NG ALABAT, QUEZON, NA MAY PAMAGAT NA:”ORDINANSANG NAGBABAWAL SA SAMAHANG FRATERNITIES AT SORORITIES NA MANGHIKAYAT NA SUMAPI SA KANILANG SAMAHAN ANG MGA KABATAANG MENOR DE EDAD SA BAYAN NG ALABAT, QUEZON ”

(Reported: Nov. 10, 2010) DZLT

ONE WAY STREET

ISANG KALSADA SA BAYAN NG LOPEZ QUEZON ANG HINILING NA GAWING ONE WAY STREET, ITO AY ANG SAN VICENTE STREET.

ANG KAUTUSAN BLG. 2009-14 (KAPASIYAHAN BLG. 2009-359) NG SANGGUNIANG BAYAN NG LOPEZ, QUEZON AY NAGLALAMAN NG ORDINANSA NA: “KAUTUSANG PAMBAYAN NA ITINATALAGANG ONE WAY SIMULA SA KANTO NG SAN VICENTE ST. HANGGANG SAN VICENTE ST EXT. 1 PAIKOT SA DON EMILIO SALUMBIDES ELEM. SCHOOL (DESES) TUWING IKA-6:30 NG UMAGA HANGGANG 7:30 NG UMAGA SA ARAW NA MAY PASOK SA PAARALAN”.

ANG NASABING PANUKALA AY NAPAGPASIYAHAN NG LUPON NG TRANSPORTATION NA IREKOMENDA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA PAGTIBAYIN ANG KAUTUSAN NG SANGGUNIANG BAYAN NG LOPEZ, QUEZON SA GINAWANG PAG-AARAL.

(Reported: Nov. 10, 2010) DZLT

BATAS NA NAGBABAWAL SA PAGDADALA NG PATALIM SA BAKURAN NG PAARALAN IPINANUKALA

DAHIL SA LAGANAP NA KRIMEN KAHIT SAAN HINDI NA NGA MASASABING LIGTAS ANG PANAHON NGAYON, KUNG KAYA NAMAN LAGING PINA-AALALAHANAN NG KINA-UUKULAN ANG MGA MAMAMAYAN NA MAG-INGAT PALAGI, HINDI LAMANG SA LABAS KUNDI MAGING SA LOOB NG SARILING TAHANAN.

ISANG ORDINANSA ANG IPINANUKALA SA LUPON NG EDUKASYON AT BATAS SA ISINAGAWANG SESYON NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NOONG LUNES.

ISA ANG SANGGUNIANG BAYAN NG BUENAVISTA QUEZON, NA MAY PANUKALANG BATAS NA MAY PAMAGAT NA: “KAUTUSANG NAGBABAWAL SA SINUMANG TAO NA MAGDALA NG ANUMNG PATALIM SA LOOB NG BAKURAN NG MGA PAARALAN SA NASASAKUPAN NG BAYAN NG BUENAVISTA, QUEZON”

(Reported: Nov. 10, 2010) DZLT

MGA MAMAMAYAN PINAG-IINGAT

KUNG SA NAKARAANG UNDAS AY MAY MGA INSIDENTE NG PAMAMASOK NG BAHAY AT PANDURUKOT SA MGA MATATAONG LUGAR, NGAYON NAMAN NA PAPALAPIT NA ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY ITO PA RIN ANG IPINAPANGAMBA .

AYON SA ISANG GINANG NA AKING NAKAPANAYAM, KUNG NOONG NAKARAANG UNDAS AY HINDI PINALAMPAS NG MGA KAWATAN, NGAYON PA KAYANG KAPASKUHAN NA ALAM NA ALAM NILANG BIGAYAN NA NG BONUS SILA AY IMPOSIBLENG HINDI MAMBIBIKTIMA.

KUNG KAYA NAMAN HUMIHINGI NG SEGURIDAD ANG ATING MGA KABABAYAN KUNG SAAN ALAM NAMAN NATIN NA DADAGSA NGAYON ANG MGA MASASAMANG LOOB.

PAALALA NAMAN NG ATING KAPULISAN, DISYEMBRE NA NAMAN, ITO ANG PAGTAAS DIN NG KASO NG NAKAWAN, KUNG KAYA’T IBAYONG PAG-IINGAT SA ATING PAGLABAS SA MATAO MAN O SA WALANG TAONG LUGAR.

KUNG MAGWI-WITHDRAW LALO’T SA MGA ATM NA WALANG SARADO ANG PALIGID O YUNG MGA NASA LABAS, MAINAM NA DAPAT MAY KASAMA AT WAG MAG-IISA LALO NA AT MADILIM SA DAKONG IYON.

MAINAM DIN NA HUWAG MASYADONG MAGLABAS O KAYA NAMAN AY MAGHALUNGKAT NG BAG NA MAY CASH SA MATATAONG LUGAR SAPAGKAT MAINIT ITO SA MGA MATA NG MGA KAWATAN.

IWASAN RIN ANG MAGSUOT NG MARARAMI AT MAKIKINANG NA ALAHAS LALO NA KUNG MAKIKIPAGSIKSIKAN SA MGA MATATAONG LUGAR.

MAGING MAPANURI RIN SA PALIGID LALO NA SA MGA MALLS, BAKA KAYO’Y MABIKTIMA NG LASLAS GANG, O YUNG MGA NAGLALASLAS NG BAG.

NGAYON NAMAN AY UMAALERTO NA ANG ATING MGA KAPULISAN SA DARATING NA KAPASKUHAN. NGUNIT PAKI-USAP NG ILANG MGA LUCENAHIN, SANA’Y HINDI LAMANG SA MATATAO MAG BANTAY O MAGPATROL ANG MGA PULIS PATI NA RIN SANA SA MGA MADIDILIM NA KALYE, PARTIKULAR NA ANG BAHAGI NA PAPUNTA SA PEREZ PARK, KUNG SAAN NANDON ANG MGA BANKO, AT ANG ILANG ATM, AY NASA LABAS.

(Reported: Nov. 10, 2010) DZLT

Tuesday, November 9, 2010

PAGPATAW NG ANNUAL TOWER FEE SA MGA COMMUNICATION CELLSITE COMPANY HINDI INAPRUBAHAN

ISANG PANUKALANG BATAS ANG HINDI NA-APRUBAHAN AT NAPAGPASIYAHAN NG LUPON NG TRANSPORTATION & COMMUNICATION NA HUWAG NANG MAGSAGAWA NG ANUMANG AKSYON SA NAULIT NA MUNICIPAL ORDINANCE NO. 004, TAONG 2009 NG SANGGUNIANG BAYAN NG PANUKULAN, QUEZON BATAY SA REKOMENDASYON NG PANLALAWIGANG MANANANGGOL AT SANG-AYON SA SECTION-56 NG LOCAL GOVERNMENT CODE.
ANG NASABING ORDINANSA AY NAGLALAYONG MAGLAGAY O MAGBIGAY NG ANNUAL TOWER FEE SA LAHAT NG COMMUNICATION CELLSITE COMPANY SA MUNISIPALIDAD NG PANUKULAN,QUEZON NA HINDI HIHIGIT SA P150,000.00.

(Reported: Nov. 9, 2010) DZLT

URGENT RESOLUTION

ISANG RESOLUTION ANG NAIS IPANUKALA NG DEPT. OF EDUCATION –SCHOOLS DIVISION OF QUEZON SA BAYAN NG CATANAUAN QUEZON AT GEN. LUNA QUEZON

KAUGNAY NITO ANG AUTHORIZATION SA PAGPASOK NG PROVINCIAL GOVERNOR, SA ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT SA COMMISSION ON INFORMATION AND COMMUNICATIONS TECHNOLOGY.

ANG PARENTS-TEACHERS ASSOCIATION O PTA AT LGU NG BARANGAY NG MATANDANG SABANG NATIONAL HIGH SCHOOL SA CATANAUAN QUEZON AT MALAYA NATIONAL HIGH SCHOOL SA GEN. LUNA, QUEZON AY NAKIKI-USAP SA ISANG URGENT RESOLUTION NG PAGSI-SET-UP O PAGLALAGAY NG OPERATION NG iSchools Wireless Internet Learning Laboratory (Iwillhs) SA MGA NABANGGIT NA PAARALAN, UPANG MAKATULONG SA PAG-AARAL NG MGA ISTUDYANTE.

(Reported: Nov. 9, 2010) DZLT

UNAUTHORIZED DIVERSION OF WATER SUPPLY SA SM LUCENA GALING SA MAIN WATER PIPELINE NG PAGBILAO QUEZON INIREKLAMO NG ISANG CONCERNED CITIZEN

ISANG LIHAM MULA KAY G. ARIEL ALCALA, SPOKESPERSON, CONCERNED CITIZENS NG POBLACION, PAGBILAO QUEZON AT ISA PANG LETTER COMPLAINT NG CONERNED CITIZENS NG BRGY. TAMBAK, PAGBILAO QUEZON PARA KAY G. ENRICO B. PASUMBA, GEN. MANAGER NG QUEZON METROPOLITAN WATER DISTRICT (QMWD), LUNGSOD Justify FullNG LUCENA SA PAMAMAGITAN NI Bb. JANET V. SANTOS, BRANCH MANAGER,QMWD, PAGBILAO BRANCH, ANG SULAT AY NAGLALAMAN NG PANAWAGAN AT NAKIKI-USAP PARA SA MAIBIBIGAY NA TULONG AT AKSIYON PARA SA LETTER-COMPLAINT, KUNG SAAN NAKAPA-LOOB ANG HINDI OTORISADONG DIVERSION NG WATER SUPPLY SA SM LUCENA GALING SA MAIN WATER PIPELI NE NG PAGBILAO, QUEZON KUNG SAAN AY EKSLUSIBONG PARA SA GAMIT AT BENEPISYO NG CONSUMERS NITO.

NAPAGKASUNDUAN NG LUPON NG ENERGY AND WATER SA PAMUMUNO NI KGG. MANUEL M. BUTARDO AT NG PAMUNUAN NG QMWD NA SINANG-AYUNAN NG “CONCERNED CITIZENS OF PAGBILAO”, SA PAMAMAGITAN NG KANILANG TAGAPAGSALITA NA SI G. ARIEL ALCALA, NA ANG QUEZON METROPOLITAN WATER DISTRICT AY BINIBIGYAN NG ISANG TAON NA PALUGIT SIMULA SA PAG-APRUBA NG “PROJECT DESIGN” NA ISUSUMETE SA BUMUBUO NG BOARD OF DIRECTORS NG QMWD, KAUGNAY SA PANUKALANG PAGHAHANAP NG BAGONG LUGAR NA MAPAGKUKUNAN NG TUBIG PARA SA BAYAN NG PAGBILAO, UPANG MAPAGANDA ANG SERBISYO NITO LALO’T HIGIT SA MGA APEKTADONG LUGAR BUNSOD NA RIN SA ISINAGAWANG PAG-AARAL NG PAMUNUAN NG QMWD NA ANG PROYEKTO AY LUBHANG KAILANGAN DAHIL NA RIN SA PATULOY NA PAGDAMI AT PAGLAKI NG POPULASYON NG BAYAN NG PAGBILAO.

IPINALIWANAG NI GEN. MANAGER ENRICO PASUMBAL, NA ANG KAHILINGAN NG MGA MAMAMAYAN NG PAGBILAO NA MAGKAROON NG “REPRESENTATIVE” SA BOARD OF DIRECTORS NG QMWD AY NAKASALALAY SA KAMAY AT PAGPAPASIYA NG PUNONG LALAWIGAN, KGG. DAVID C. SUAREZ AT ANG BAGAY NA ITO AY NAPAPALOOB AT ITINATADHANA SA PRESIDENTIAL DECREE 198 O BATAS NA SUMASAKLAW DITO.

KAUGNAY NAMAN SA ALEGASYON NG “CONCERNED CITIZENS” NG BRGY. TAMBAK, PAGBILAO QUEZON NA NAGSASAGAWA DIUMANO ANG QMWD NG “UNAUTHORIZED DIVERSION OF WATER SUPPLY FROM THE MAIN WATER PIPELINE OF PAGBILAO QUEZON” AY MARIING PINABULAANAN NI GEN. MANAGER ENRICO PASUMBAL AT IDINAGDAG PA NIYA NA ANG NASABING WATER PIPELINE AY DISENYO PARA SA SUPPLY NG TUBIG NG BAYAN PAGBILAO AT LUNGSOD NG LUCENA.

(Reported: Nov. 9, 2010) DZLT

NOVEMBER 19 IDEKLARANG PAGBILAO MEN’S DAY

KUNG MERONG ARAW NG KABABAIHAN DAPAT MAY ARAW DIN UMANO NG KALALAKIHAN, YAN ANG PANUKALA NG MGA PAGBILAWIN O MGA TAGA-PAGBILAO QUEZON.

ISANG ORDINANSA SA LUPON NG GENDER AND DEVELOPMENT ANG IPINASA NG PAGBILAO QUEZON KUNG SAAN AY GAWIN O IDEKLARANG PAGBILAO MEN’S DAY ANG NOV 19 TAUN-TAON.

ITO’Y SA ILALIM NG MUNICIPAL ORDINANCE NO. 2, SERIES OF 2010 NG SANGGUNIANG BAYAN NG PAGBILAO QUEZON, NA MAY PAMAGAT: “ AN ORDINANCE DECLARING EVERY NOVEMBER 19 OF EVERY YEARS AS PAGBILAO MEN’S DAY“

YAN ANG ISA SA MGA ORDINANSA NA NAPAGPASIYAHAN NA IREKOMENDA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA PAGTIBAYIN.

(Reported: Nov. 9, 2010) DZLT

PAGBABAWAL NG PAGTATAPON NG DUMI SA DAGAT IPINANUKALA SA PEREZ, QUEZON

NGAYON NGA AY HINDI LAMANG SA KALSADA NATIN MAKIKITA ANG PURO KALAT KUNDI PATI NA RIN SA MGA BAYBAYING DAGAT, NA KUNG MINSAN AY NAGIGING SANHI NA RIN NG PAGKASIRA AT PAGDUMI NITO.

ISA SA MGA BAYAN NA PROBLEMA ANG KALAT AT DUMI SA BAYBAYING DAGAT AY ANG PEREZ QUEZON, KUNG KAYA NAMAN AY BINIGYANG AKSYON AGAD ANG NASABING USAPIN, UPANG HINDI NA LUMALA PAG DATING NG PANAHON.

DITO NAGPANUKALA NG ISANG ORDINANSA NA TINAWAG NA KAUTUSANG BAYAN BLG. 2010-03 (KAPASIYAHAN BLG. 2010-18) KUNG SAAN NILALAMAN ANG ISANG KAUTUSANG PAMBAYAN NA NAGBABAWAL SA PAGTATAPON O PAGPAPADALOY NG ANUMANG URI NG BASURA O DUMI NG HAYOP O TAO SA BAYBAYING DAGAT, ILOG O SAPA NA SAKLAW NG BAYAN NG PEREZ, QUEZON AT PAGPAPATAW NG KAPARUSAHAN SA SINUMANG TAO NA LALABAG DITO.

(Reported: Nov. 9, 2010) DZLT

Friday, November 5, 2010

PAKI NAMAN

USAP-USAPAN NA NGA SA IBANG LUGAR ANG MGA KRIMEN LALO NA KUNG MALALIM NA ANG GABI, ANG ILAN DITO AY ANG KASO NG KIDNAPPING, RAPE AT MURDER.

ILAN SA ITINUTURONG DAHILAN NITO AY ANG MGA GANG RAPE, KUNG SAAN GAMIT ANG VAN, DAHIL SA PAGKAKAROON NG PUMAPASADANG VAN SA MGA MALLS PARTIKULAR NA SA SM AT METRO GAIZANO-PACIFIC MALL.

MARAMI SA MGA PASAHERO ANG SUMASAKAY DITO DAHIL UMANO SA MABILIS SILANG MAKAKARATING SA KANILANG DESTINASYON.

NGUNIT MAY HATID DING PANGANIB ANG MGA PUMAPARANG VAN, LALO NA KUNG WALA SA TERMINAL, KUNG ANG MGA PASAHERO AY NAG-IINTAY SA GILID NG KALSADA.

AYON SA ISANG BABAENG AKING NAKAPANAYAM MAS NANAISIN PA UMANO NIYANG MAG-INTAY NG PAMPASADANG DYIP KESA SUMAKAY SA VAN, NA WALA MAN LANG TATAK O WALA MAN LANG PAGKAKAKILANLAN.

ANIYA DELIKADO RIN SA PANAHON NGAYON ANG MGA KOLORUM NA VAN NA NAMIMIK-UP NG MGA PASAHERO LALO NA SA MGA KALSADA.

GINAGAMIT UMANO NG MGA KAWATAN ANG STYLE NA GANITO, ILAN TULOY SA MGA NURSING STUDENT ANG NABABAHALA NA RIN DAHIL SA MGA NABABALITANG GANG RAPE.

AYON SA NAKAPANAYAM NATING ISANG NURSING STUDENT SANA AY BIGYAN NG PANSIN NG KINA-UUKULAN ANG NASABING USAPIN, DAPAT UMANO AY PALAGYAN NG MGA NANGANGASIWA NG MALLS NG KANILANG LOGO ANG MGA OTORISADONG VAN NA NASA KANILANG MGA TERMINAL, NG SA GAYON AY WALANG AGAM-AGAM O PANGAMBA ANG ATING MGA KABABAYANG NAGKO-COMUTE.

(Reported: Nov. 5, 2010) DZLT

SINO BA ANG DAPAT SISIHIN?

KALIWA’T KANAN NA NGA ANG NANGYAYARING KRIMEN, ANG NAKAKALUNGKOT PABATA NA NG PABATA ANG NASASANGKOT.

SA MGA MADIDILIM NA SULOK PAGSAPIT NG DILIM AY HINDI NA MASASABING LIGTAS.

BUKOD SA KRIMEN NARIYAN RIN ANG STREET CHILDREN AT TAONG GRASA, NA KUNG MINSAN AY NAGIGING PROBLEMA RIN NG LIPUNAN.

BATID NG MGA KABABAYAN NATING NAGMAMALASAKIT, NA MAAARING DAPUAN NG KUNG ANU-ANONG SAKIT ANG MGA BATANG NATUTULOG SA LANSANGAN, ANG PAGSABIT SA MGA PAMPASAHERONG DYIP NA MAAARI NILANG IKA-DISGRASYA AT MAGING SANHI PA NG ABERYA SA DRIVER PAG NAGKATAON, AT ANG MAAARING
PAGGAMIT SA KANILA NG MGA SINDIKATO.

NATATANONG DIN NG ILANG BUMIBISITA, “NASAAN BA ANG MAGULANG NILA?”
ANG MGA TAONG GRASA NA PAULI-ULI O MGA MAY PROBLEMA SA PAG-IISIP, NASAAN NGA BA ANG PAMILYA NILA?

SA MGA GANITONG USAPIN, SINO NGA BA ANG DAPAT SISIHIN? O SINO NGA BA ANG DAPAT MAGING RESPONSABLE?

ANG MGA MAGULANG BA, NANAG-PAPABAYA SA KANILANG MGA ANAK? MGA PULIS NA DAPAT HUMULI NG MGA NAGKASALA SA BATAS? O DSWD NA DAPAT UMAKSYON SA GANITONG KALAGAYAN?

SA MGA NAHUHULING SUSPEK NA MENOR DE EDAD? PULIS BA O DSWD ANG DAPAT UMAKSYON?
DAPAT BANG IASA ANG LAHAT SA PULISYA? O DAPAT TAYONG MAKIPAGKA-ISA?

HINDI PA NGA MASASABING MAUNLAD ANG ATING BAYAN, KUNG MAY MGA GANITONG TANAWIN PA RIN SA LANSANGAN.

(Reported: Nov. 5, 2010) DZLT


MGA VAN

SA DALAWANG MALL NG LUCENA CITY PARTIKULAR NA ANG SM CITY LUCENA AT METRO GAISANO-PACIFIC MALL NARIYAN MAKIKITA ANG MGA TERMINAL PARTIKULAR NA ANG VAN TERMINAL.

ANG ILAN SA MGA PASAHERO AY MAS PINIPILING SA VAN SUMAKAY DAHIL MABILIS UMANO ITO. NGUNIT ILAN DIN SA ATING MGA KABABAYAN ANG NANGANGAMBA LALO NA ANG MGA SUMASAKAY O NAGHIHINTAY NG MASASAKYAN SA MGA GILID NG KALSADA, DAHIL UMANO ANG ILAN SA MGA VAN AY WALA MAN LANG TATAK NA PAGKAKAKILANLAN. DI BALE UMANO KUNG SA TERMINAL NG VAN SILA MAKAKASAKAY, NGUNIT PAANO KUNG NASA KALSADA NA UMANO SILA MAG-IINTAY?

KAYA PANAWAGAN NG ISA NATING NAKAPANAYAM NA COMMUTERS SANA NAMAN AY MAGAWAN NG KAUKULANG AKSYON O PANSIN NG MGA NANGANGASIWA O NG MGA KINAUUKULAN ANG MALAGYAN MAN LANG NG TATAK O PAGKAKAKILANLAN ANG MGA VAN NA OTORISADO NA BUMAMYAHE O MAGHATID NG MGA PASAHERO GALING AT PATUNGO SA MGA NASABING MALLS O LOKASYON.

KUNG ITO’Y NABYAHE GALING SA MGA MALLS DAPAT UMANO AY NAKALAGAY MAN LANG O NAKASULAT ITO KAHIT SA HARAPAN NG VAN.

PINANGANGAMBAHAN KASI ANG MGA NATIGIL O NAPARA NA VAN SA MGA PASAHERO, PARTIKULAR NA SA MGA ISTUDYANTENG GINAGABI TULAD NA LANG NG MGA NURSING STUDENT NA MINSA’Y GINAGABI NA NG PAG-UWI. SANA NAMAN AY MABIGYAN AGAD NG PANSIN ANG NASABING BAGAY BAGO PA MAN MAY MGA GUMAMIT NA MGA KAWATAN NG GANITONG STYLE NG TIGIL VAN.

(Reported: Nov. 4, 2010) DZLT

AKSYON PARA SA KALIKASAN

SA LIKOD NG ATING MAGAGARANG MGA ESTABLISYEMENTO AT PAG-UNLAD NG TEKNOLOHIYA MARAMI PA RIN ANG HINDI NABIBIYAYAAN NG GINHAWA.

ILAN SA MGA KABABAYAN NATING MAGSASAKA PARTIKULAR NA SA LALAWIGAN NG QUEZON ANG NANAWAGAN NA MAGKAROON NG LIVELIHOOD PROGRAM, KABILANG NA DITO ANG PAGKAKAROON NG MGA SEEDLINGS NA MAAARI NILANG ITANIM AT MGA HAYOP NA MAARI NILANG GAMITIN SA BUKID AT PADAMIHIN.

MAS MAINAM UMANONG, KUNG HINDI MAKAKAPAGTANIM LAHAT NG TAO SA SIYUDAD AY SILA NA LANG UMANO ANG GAGAWA . ITO AY HAKBANG NA RIN UPANG MAKATULONG SA INANG KALIKASAN. AT UPANG MAIBSAN ANG PAG-INIT NG MUNDO O GLOBAL WARMING.

SA GINAWANG TREE PLANTING KAHAPON SA BRGY. ALITAO TAYABAS QUEZON, ISI-NUHESTYON NG ISA NATING KABABAYAN NA SANA’Y DALASAN ANG PAGTATANIM O PROYEKTO NG “TREE PLANTING” HINDI LAMANG SA MGA ARAW NA MAY IPINAGDIRIWANG KUNDI KAHIT SA ORDINARYONG ARAW.

NAIS UMANO NG ATING MGA KABABAYAN NA MAGSASAKA NA MAKIPAGTULUNGAN SA LOKAL NA GOBYERNO AT SA LAHAT NG MGA KABABAYAN NATIN UPANG MAKATULONG SA KALIKASAN, NAMULAT NA UMANO SILA SA MGA NAGDAANG KALAMIDAD, KUNG SAAN MARAMI UMANONG ARI-ARIAN ANG NASIRA PARTIKULAR NA ANG KANILANG MGA PANANIM AT ANG PAGKAMATAY NG ILANG ALAGANG HAYOP, TULAD NG FISH KILL NA DULOT NG PAGBABAGO NG KLIMA NG MUNDO O CLIMATE CHANGE.

(Reported: Nov. 4, 2010) DZLT

USAPING PANGKALUSUGAN: Sakit ng tiyan

Tradisyon na sa pamilyang Pilipino ang paghahanda ng masasarap na pagkain lalo na kapag may mga okasyon. Karaniwang laman ng mesa ay mga lutong karne na mahirap tunawin.

Kaya kung naparami ang pagkain nito, natural lang na dumanas ng "indigestion." Ito ang nagiging dahilan ng pangangasim ng sikmura, kabag, at pananakit ng tiyan.

Ang sagot dito ay ang healing diet ni Ernie Baron na makapagbibigay-lunas sa ganitong kalagayan.

Ang pagkain ng papaya ay nagpapalambot sa mga kinaing karne dahil ito ay nagtataglay ng "digestive enzyme" na "papain." Ang papain ay mabisang meat tenderizer.

Ang pipino o cucumber naman ay may enzyme na "erepsin." Ito ay may kakayahang tumunaw ng karne tulad din ng papain ng papaya.

Nagtataglay naman ang pinya ng "bromelain" enzyme na mabisa rin sa pagtunaw ng karne.

Natuklasan naman ng mga siyentipikong Hapones na ang luya o ginger ay nagtataglay ng "protease" enzyme na nagpapalambot sa karne.

Mainam na isahog ang ginayat na luya sa mga nilulutong karne bilang meat tenderizer.

Para naman sa mga may constipation, makabubuting magkakain ng sariwang prutas at gulay dahil mayaman ito sa fiber.

Ang fiber sa pagkain ay nagpapasigla ng "peristaltic movement" ng bituka para mabilis ang paglabas ng dumi sa katawan.

Mainam din kumain ng mga sumusunod na prutas:

Suha
Langka
Oranges
Duhat
Ubas
Mansanas
Melon
Pakwan
Avocado
Saging
Mangga

Sa mga gulay naman, mabuting kainin ang :

Letsugas
Repolyo
Singkamas
Carrots
Patatas
Kamote
Kinchay
Kamatis
Sibuyas
Repolyo

Samantala, sinasabing ang katas ng repolyong hilaw nagtataglay ng Vitamin U na mainam na gamot sa ulcer.

Kung ang pagsakit naman ng tiyan ay bunga ng mikrobyo o impeksyon, makabubuting uminom ng isang kutsarang "garlic with honey" matapos kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan bilang natural antibiotic.

(Reported: Oct. 27, 2010) DZLT

Thursday, November 4, 2010

BRGY. CATUMBO, CATANAUAN QUEZON

Nandito pa rin ako sa Catanauan Quezon, kung saan nakapanayam natin ang isang re-elect na Brgy. Chairman, walang kahirap-hirap niyang naipanalo ang nasabing posisyon dahil wala siyang naging kalaban. Ang kapitan na ito ay walang iba kundi si Brgy. Chairman Pedro Castro Jr., ng brgy. Catumbo.

Sa aking pakikipanayam sa kanya, nalaman kong 3 termino na siyang kagawad at 2 termino sa pagka-kapitan, ngunit ngayong patapos na ang kanyang termino ay muli siyang tumakbo.

Sa kanyang panunungkulan o habang siya ay nakaupo sa kanyang termino, nabigyan na umano niya ng lunas at solusyon ang ilang problema ng kanyang barangay. Kabilang na nga dito ang Water System o patubig, cover court, elektrisidad patungong sitio ibaba at maging ang daan papuntang palaisdaan.

Naitanong ko din po kung bakit ninais pa rin niyang tumakbo, gayong maaari na siyang mamahinga sa pamumulitika.

Ang kanyang naging sagot sa akin ay dahil sa gusto pa umano siya ng mga tao at nais pa rin umano niyang maipag-patuloy ang kanyang mga nasimulan, ang mapaunlad umano ang kanyang barangay ay kasiyahan na niya.

Nang akin namang naitanong kung ano pa ba ang plano o proyektong nais niya para sa kanyang baranggay ay ang mga sumusunod ang kanyang sinabi:

 Ang ma-improve ang patubig, ang mapalakihan ang tubo at tangke nito, upang mapadaluyan ang iba pang mga lugar sa kanilang barangay.
 Makakuha ng titulo ng kanilang Brgy. Hall
 Magkaroon ng Brgy. Service Patrol, dahil wala pa umano sila nito
 Livelihood program kabilang na ang gamit pansaka

Sa Brgy. Catumbo, Catanauan Quezon ay may 453 voters, ngunit hindi lahat ay nakaboto, dahil umano’y hindi nakadating.

(Reporter: Oct. 28, 2010) DZLT

USAPANG PANGKALUSUGAN: Kidney stones

Karaniwan na ang kidney stones o bato sa bato. Sa madaling salita, impeksyon sa bato.
Maituturing man na malubha ang sakit na ito, mayroon namang healing iet na maaaring gawin pang ito ay maalis.

Mabisa ang pag-inom ng sabaw ng buko. Dapat ding magkakain ng citrus fruits tulad ng dalandan, lemon at kalamansi ang may karamdamang ganito. Samahan pa ng mga prutas tulad ng mangga, melon, pakwan at peras ang nabanggit na healing diet upang matiyak ang lunas sa sakit.

Bukod sa madaling malusaw ang bato sa bato ng mga pagkaing ito, mapapababa rin ng mga nabanggit na prutas ang cholesterol count ng pasyente.

Inirerekomenda rin ang pagkain ng citrus at iba pang prutas sa mga may sakit sa puso at may alta-presyon.

Sa mga gulay naman, mahusay sa bato sa bato ang malunggay, asparagus, carrots, broccoli, talbos ng kamote at dahon ng ampalaya. Makakatulong ang mga ito upang matanggal ang impeksyon sa kidney.

Sa mga halamang gamot, subok na ng mga dalubhasa ang pinaglagaan ng dahon ng sambong, buhok ng mais at ugat ng damong cogon.

Panatilihin din ang pag-inom ng maraming tubig araw-araw. Sa mga mayroong urinary tract infection, mainam ang "natural antibiotic" tulad ng pinaghalong honey at bawang. Uminom ng isang kutsara nito tuwing matatapos kumain.

(Reported: Oct. 23, 2010) DZLT

UMIINIT ANG LABANAN SA BRGY. AT SK ELECTION

Umiinit na nga ang labanan habang palapit na ng palapit ang barangay election, kaliwa’t kanan na din ang ginagawang miting de abanse o mga programa kung saan nabibigyang daan ang mga kakandidato na masabi at mailaad ang kanilang mga plataporma sakaling sila ay palaring manalo.

Lahat ng kandidato maging SK candidates ay buong loob na humarap sa kanilang mga ka-barangay upang hingin ang kanilang suporta sa boto. Ilan sa mga naging plataporma nga ay ang mga aktibidad at proyekto para sa mga kabataan ng barangay, layunin nito na mailayo sa masamang bisyo ang mga kabataan ng barangay, particular na ang pagkalulong sa droga, paglalasing at pagtatambay.

Nangako naman ang mga kakandidato na tutuparin ang mga pangako nila at tungkulin kung sila’y mananalo

(Reported: Oct. 18, 2010) DZLT

USAPANG PANGKALUSUGAN: Mga kaalaman ukol sa Sakit sa Bato

Ang kidney problem o sakit sa bato ay pansampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Ito ay mapanganib sa kalusugan at buhay ng tao, kung hindi ito matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas.

Ang sakit sa bato ay maaaring walang makitang sintomas o palatandaan lalo na kung nasa early stage pa lamang ito. Maaari lamang malaman ito kung magpapaeksamin ng ihi o magpapasuri sa doctor.

Kapag hindi agad naagapan o hindi agad nalaman ng isang tao na siya ay may sakit sa bato, maaari itong lumala at mauwi sa estado na di na maibabalik sa normal na kondisyon ng mga bato, katulad ng END-Stage Renal Disease o ESRD.

Narito ang ilan sa mga sakit sa bato at ang mga palatandaan o sintomas nito:

1. URINARY TRACT INFECTION O UTI, ito ay ang impeksyon o pamamaga ng daluyan ng ihi. Ito ay kondisyon ng pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, sa ureter at sa pantog.

Ito ay maaaring upper urinary tract infection o lower urinary tract infection.
Ang UPPER URINARY TRACT INFECTION ay tinatawag ding Pye-lone-phritis (Pyelonephritis) o impeksyon sa bato kung saan ang sintomas o palatandaan ay nilalagnat, giniginaw, nagsusuka, pagsakit ng tiyan o tagiliran, at pag-init ng katawan kapag umiihi. Samantalang ang LOWER URINARY TRACT INFECTION na tinatawag ding Cystitis o impeksyon sa pantog ay makakaranas ng sakit sa ilalim ng puson bago umihi.

2. Ang ikalawa naman ay ang glome-ru-lonephritis(GLOMERULONEPHRITIS)ito’y sakit sa bato na namamaga ang mga maliliit na ugat sa Nephrons o ”blood filters”, Kalimitang nagkakasakit nito ay mga bata. Ang maaaring pagsimulan nito ay tonsillitis,pharyngitis o impeksyon sa balat. Ang sintomas nito ay ang pamamanas, altapresyon, pamumula ng ihi kulay tsaa o “coke” na ihi at pagdalang ng ihi.

3. Ang ika-3 naman ay ang Nephrosis o Nephrotic Syndrome, ito’y kondisyon na nagkakaroon ng sobrang protina ang ihi at sobrang pamamanas ng katawan, tulad ng pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, mga binti at paa, pisngi, tiyan at ihi na mabula.

4. Ipang-apat na sakit sa bato ay ang Renal Calculi, ito ay kondisyon na nagkakaroon ng bato (stone) sa bato (kidney),sintomas nito ay ang masakit ang pag-ihi, may dugo na ang ihi at paulit-ulit na sakit sa may tagiliran.

5. At panghuli ay Renal Failure, ang palatandaan nito ay ang pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagsusuka, hindi makatulog, pagkawala ng malay tao, pamumutla, pagkonti ng ihi, pamamanas, hirap huminga, pag-itim at pangangati ng balat.

(Reported: Oct. 9, 2010) DZLT

USAPANG PANGKALUSUGAN: URINARY TRACT SYSTEM

Ang urinary system tinatawag ding excretory system ay isang organ system na lumilikha, nag-iimbak, at nagtatapon ng ihi. Ang tao ay may 2 pares ng bato o kidneys, dalawang ureters, Pantog o Urinary Bladder at urethra.

Ang bato o kidney ay nagsasaayos ng tubig at electrolytes ng katawan, ito rin ang naglalabas ng sobrang tubig at iniiwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan at sya ring gumagawa ng mga kemikal na kailangan upang mapanatiling malusog ang ating katawan.

Ang bawat tao ay mayroong isang pares ng bato o kidney na matatagpuan sa likurang bahagi ng tiyan, sa kaliwa at kanang tagiliran ng vertebral column. Ang mga ito ay kulay, mapula-pulang tsokolate dahil sa maraming ugat nito. Ang bato ay may milyun-milyong nephrons na sumasala sa dugo upang ihiwalay at itapon ang maruruming likido na sumasama sa ihi.

Ang bato ay lumilikha ng hormone na ery-thro-poi-yetin (erythropoietin), na tumutulong sa bone marrow na lumikha ng pulang selyula ng dugo.

Mahalaga ang bato sa pagsasaayos ng presyon ng dugo, ito’y sa pamamagitan ng pagayos ng blood volume o dami ng dugo at asin o sodium sa katawan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng angio-tensin (angiotensin) isa ring kemikal na galing sa bato.

Ang bato o kidney ay bahagi ng tinatawag na Urinary Tract System , kung saan kabahagi nito ang Ureters, Pantog o Urinary Bladder at Urethra.

Ang Ureters ay isang pares na tubo na humigit-kumulang sa 14-18 inches ang haba at may 1/8 inches ang luwang o diametro, dito dumadaloy ang ihing nagbubuhat sa bato patungo sa pantog kung saan ito ay pansamantalang naiipon.

Ang Pantog o Urinary Bladder naman ay kahalintulad sa isang supot na yari sa mga himaymay ng laman at litid na matatagpuan sa bahagi ng pelvis kung saan ang ihi ay pansamantalang naiipon. Makakaramdam ang isang tao ng pag-ihi kapag ang pantog ay naglalaman na ng 250-300 ml. o 8-10 ounce na ihi, bagamat ito ay maaaring maglaman ng dalawang beses na dami nito.

Samantalang ang Urethra ay daluyan ng ihi na nagbubuhat sa pantog papalabas ng katawan. Kapag napapaihi ang isang tao, ang urethral orifice na nasa ibabang bahagi ng pantog ay bubukas at dadaloy ang ihi sa urethra palabas.

At yan ang balitang pangkalusugan natin ngayong araw, bukas ay alamin naman natin kung ano ang mga sakit sa bato o kidney at kung paano ito maiiwasan.

(Reported: Oct 8, 2010) DZLT

USAPANG PANGKALUSUGAN: TIPUS O TYPHOID FEVER

Ang Tipus o Typhoid Fever ay nakukuha sa bakteryang “Salmonella Typhi”

Ito ay nakukuha sa kontaminadong pagkain at inuming-tubig, ilan sa mga palatandaan ng Typhoid Fever ay ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina, kawalang gana sa pagkain at pagtatae o pagtitibi okaya ay “abdominal discomfort”.

Upang makaiwas sa ganitong sakit narito ang ilang health tips:
 Pakuluan ang inuming-tubig at hayaang kumulo ito ng 3 minuto kung hindi tiyak na ligtas ang pinagkunan nito
 Lutuin ng husto ang pagkain at laging takpan upang hindi dapuan ng mga langaw na nagdudulot ng sakit
 Hugasang mabuti ang lahat ng prutas at gulay na kinakain na hilaw
 Iwasang kumain ng mga pagkaing tinitinda sa mga bangketa kung hindi sigurado ang kalinisan ng mga ito
 Gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran at bago kumain
 Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng langaw
 Kung inaakalang may “typhoid fever”, dalhin ang pasyente sa pinaka malapit na health center o ospital

(Reported: Oct. 7, 2010) DZLT

USAPANG PANGKALUSUGAN: Kanser sa kuwelyo ng Matris

Ang Cervical Canser ay pangalawa sa pangunahing dahilan ng maagang pagkamatay ng mga kababaihan.

Ang matris o bahay-bata ay matatagpuan sa may bandang puson ng mga babae. Ito ay mayroong kuwelyo o cervix na matatagpuan sa dulo ng puwerta. Maaari itong magkaroon ng impeksiyon lalo na kapag ang iyong sexual partner o katalik ay mayroong Sexually Transmitted Disease o STD. Ito’y maaaring magkaroon ng Polyp, Cyst o Cervical Cancer.

Ang maaaring magkaroon nito ay ang bawat babae, may posibilidad na magkaroon ng kanser sa kuwelyo ng matris pagsapit ng edad na treinta’y singko (35) pataas. Ngunit kadalasan ay makikita ito sa mga babaeng: nakikipagtalik sa iba’t ibang lalaki, nagkaroon ng impeksiyon tulad ng HPV o Human Papilloma Virus at maraming beses na nanganak.

Ang mga palatandaan ng kanser ay ang: Abnormal na pagdurugo tulad ng: Pagdurugo matapos makipagtalik, sobrang lakas o tagal ng regla, maraming beses na pag-regla sa isang buwan at pagbalik ng regla pagkaraan ng menopause.

May malansang “discharge” na lumalabas sa puwerta, Pamamayat at pamumutla at Pananakit ng puson o likod.

Ngunit karaniwang walang sintomas na mararamdaman lalo na kung nasa maagang antas (stage) pa lamang ng kanser.

Upang malaman naman ng maaga kung ang isang babae ay may kanser sa kuwelyo ng matris o wala, ang ACETIC ACID WASH, PAP SMEAR at COLPOSCOPY ang mga paraan upang malaman ang pagbabago sa kuwelyo ng matris, na posibleng kanser.

Ang ACETIC ACID WASH ito ay isang simpleng eksaminasyon kung saan hinuhugasan ng 3% na Suka (vinegar) ang kuwelyo ng matris. Kung ang kuwelyo ay may sugat, impeksyon o kanser, ito ay magiging kulay puti. Mabilis malaman ang resulta nito kaya pwede itong magamot ng agaran.

Ang PAP SMEAR naman ay isinasagawa sa pamamagitan ng cotton swab, kung saan, kinukuha ang mga nalalagas na cells ng cervix at sinisilip ito sa pamamagitan ng microscope.

Samantalang ang COLPOSCOPY naman ay nasisilip sa pamamagitan ng instrumento, ang mga pagbabago sa kuwelyo ng matris, na hindi nakikita ng ating mga mata. Ito ay mas sensitibo ngunit mahal.

Para naman maiwasan ang Kanser sa Kuwelyo ng Matris o Cervical Cancer dapat, iwasan ang peligrosong gawi sa pagtatalik o risky sexual behaviors at Iwasang magkaroon ng impeksyon na sanhi ng Human Papilloma Virus.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Samantalang narito naman ang 10 pang pamamaraan sa pag-iwas ng kanser:

1. Alamin kung may Family History ng kanser.
2. Suriin ang sariling Health History
3. Kumain ng tama at sapat
4. Huwag manigarilyo
5. Iwasan ang madalas na pag-inom ng alak
6. Panatilihing tama ang timbang
7. Ugaliing mag-exercise
8. Protektahan ang balat mula sa matinding sikat ng araw.
9. Iwasan ang mga kemikal tulad ng asbestos.
10. Ugaliing magsuri ng sarili at laging kumunsulta sa doctor.
----------------------------------------------------------------



At ilan pa sa iba pang palatandaan ng kanser:
 Biglaang pangangayayat
 Di pangkaraniwang pamumutla
 Bukol sa dibdib o sa ibang bahagi ng katawan
 Abnormal na pagdurugo o “discharge”
 Matagal na ubo o pamamaos
 Pagbabago ng pagdumi o pag-ihi
 Hirap sa paglunok
 Sugat na hindi gumagaling
 Pagbabago ng nunal o kulugo

(Reported: Oct. 6, 2010) DZLT