Nandito pa rin ako sa Catanauan Quezon, kung saan nakapanayam natin ang isang re-elect na Brgy. Chairman, walang kahirap-hirap niyang naipanalo ang nasabing posisyon dahil wala siyang naging kalaban. Ang kapitan na ito ay walang iba kundi si Brgy. Chairman Pedro Castro Jr., ng brgy. Catumbo.
Sa aking pakikipanayam sa kanya, nalaman kong 3 termino na siyang kagawad at 2 termino sa pagka-kapitan, ngunit ngayong patapos na ang kanyang termino ay muli siyang tumakbo.
Sa kanyang panunungkulan o habang siya ay nakaupo sa kanyang termino, nabigyan na umano niya ng lunas at solusyon ang ilang problema ng kanyang barangay. Kabilang na nga dito ang Water System o patubig, cover court, elektrisidad patungong sitio ibaba at maging ang daan papuntang palaisdaan.
Naitanong ko din po kung bakit ninais pa rin niyang tumakbo, gayong maaari na siyang mamahinga sa pamumulitika.
Ang kanyang naging sagot sa akin ay dahil sa gusto pa umano siya ng mga tao at nais pa rin umano niyang maipag-patuloy ang kanyang mga nasimulan, ang mapaunlad umano ang kanyang barangay ay kasiyahan na niya.
Nang akin namang naitanong kung ano pa ba ang plano o proyektong nais niya para sa kanyang baranggay ay ang mga sumusunod ang kanyang sinabi:
Ang ma-improve ang patubig, ang mapalakihan ang tubo at tangke nito, upang mapadaluyan ang iba pang mga lugar sa kanilang barangay.
Makakuha ng titulo ng kanilang Brgy. Hall
Magkaroon ng Brgy. Service Patrol, dahil wala pa umano sila nito
Livelihood program kabilang na ang gamit pansaka
Sa Brgy. Catumbo, Catanauan Quezon ay may 453 voters, ngunit hindi lahat ay nakaboto, dahil umano’y hindi nakadating.
(Reporter: Oct. 28, 2010) DZLT
No comments:
Post a Comment