Ang urinary system tinatawag ding excretory system ay isang organ system na lumilikha, nag-iimbak, at nagtatapon ng ihi. Ang tao ay may 2 pares ng bato o kidneys, dalawang ureters, Pantog o Urinary Bladder at urethra.
Ang bato o kidney ay nagsasaayos ng tubig at electrolytes ng katawan, ito rin ang naglalabas ng sobrang tubig at iniiwan lamang ang mga sangkap na kinakailangan at sya ring gumagawa ng mga kemikal na kailangan upang mapanatiling malusog ang ating katawan.
Ang bawat tao ay mayroong isang pares ng bato o kidney na matatagpuan sa likurang bahagi ng tiyan, sa kaliwa at kanang tagiliran ng vertebral column. Ang mga ito ay kulay, mapula-pulang tsokolate dahil sa maraming ugat nito. Ang bato ay may milyun-milyong nephrons na sumasala sa dugo upang ihiwalay at itapon ang maruruming likido na sumasama sa ihi.
Ang bato ay lumilikha ng hormone na ery-thro-poi-yetin (erythropoietin), na tumutulong sa bone marrow na lumikha ng pulang selyula ng dugo.
Mahalaga ang bato sa pagsasaayos ng presyon ng dugo, ito’y sa pamamagitan ng pagayos ng blood volume o dami ng dugo at asin o sodium sa katawan. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paglikha ng angio-tensin (angiotensin) isa ring kemikal na galing sa bato.
Ang bato o kidney ay bahagi ng tinatawag na Urinary Tract System , kung saan kabahagi nito ang Ureters, Pantog o Urinary Bladder at Urethra.
Ang Ureters ay isang pares na tubo na humigit-kumulang sa 14-18 inches ang haba at may 1/8 inches ang luwang o diametro, dito dumadaloy ang ihing nagbubuhat sa bato patungo sa pantog kung saan ito ay pansamantalang naiipon.
Ang Pantog o Urinary Bladder naman ay kahalintulad sa isang supot na yari sa mga himaymay ng laman at litid na matatagpuan sa bahagi ng pelvis kung saan ang ihi ay pansamantalang naiipon. Makakaramdam ang isang tao ng pag-ihi kapag ang pantog ay naglalaman na ng 250-300 ml. o 8-10 ounce na ihi, bagamat ito ay maaaring maglaman ng dalawang beses na dami nito.
Samantalang ang Urethra ay daluyan ng ihi na nagbubuhat sa pantog papalabas ng katawan. Kapag napapaihi ang isang tao, ang urethral orifice na nasa ibabang bahagi ng pantog ay bubukas at dadaloy ang ihi sa urethra palabas.
At yan ang balitang pangkalusugan natin ngayong araw, bukas ay alamin naman natin kung ano ang mga sakit sa bato o kidney at kung paano ito maiiwasan.
(Reported: Oct 8, 2010) DZLT
Try niyo po mag Barley Grass. Biblical food po yung barley, lahat ng klase ng sakit nakakatulong po. For more information pls contact me 09234818708
ReplyDeleteAko po mismo nasubukan ko yung produkto at sa loob lamang ng dalawang oras maniwala po kayo't sa hindi eh guminhawa na yung pakiramdam ko. Kaya na engganyo po akong magbenta ng Barley Grass dahil sa pamamagitan ng produktong ito ay marami akong natutulungan tao lalo na sa mga may sakit. Para po sa iba pang mga katanungan, maaari po lamang na tumawag sa tel. no.: 6646773 / 8953481 / 8968401 o magtext sa mobile no.: 0923 4818708 Maraming Salamat po!
ReplyDelete