Thursday, November 4, 2010

MEDIKAL AT DENTAL MISYON PARA SA MGA DETINADO

Sa araw na ito, isinasagawa ang isang proyekto o aktibidad ng Provincial Government sa QPJ o Quezon Provincial Jail, sa pangunguna ng ating Provincial Governor David “Jayjay” Suarez at sa tulong ng QMH o Quezon Memorial Hospital doctors, nurses at staff.

Ang nasabing aktibidad ay isang misyong medical na may temang: Damayan ng Sambayanan sa pagtulong at pagkalinga ng mga detinido daan sa kanilang pagbabago.
Sinimulan ang naturang aktibidad ng isang misa kaninang umaga, na pinamagatang “Pagsambang Ek-yumenikal sa gawaing Pagmimisyong Medikal para sa mga Kapatid na nasa Piitang Pangprobinsya ng Quezon”.

Ang nasabing misa ay pinangunahan nina Fr. Bienvenido Lozano ng St. Jude Parish Church at Pastor Junwell S. Bueno ng UCCP Magill Memorial Church.

Umuulan man kanina, hindi ito naging hadlang upang hindi matuloy ang nasabing aktibidad.
Ang Misyon Medikal at Dental ay misyonng ng ating Provincial Government upang mabigyan ng lunas ang mga problemang pangkalusugan ng mga detinado ng Quezon Provincial Jail.

Dahil sa dami na ng bilang ng mga bilanggo sa loob ng Provincial Jail, hindi maiiwasan ang pagkakasakit, ilan sa mga ito ay may mga pigsa na.
Nagsagawa din ng libreng bunot ng ngipin at free chek-up, kung saan ay pinilahan ito ng mga bilanggo.

(Reported: Aug. 17, 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment