Thursday, November 4, 2010

HOSTAGE DRAMA

Humigit sampung oras ang itinagal ng hostage drama sa Quirino Grandstand dito sa Maynila kahapon na kinasasangkutan ng hostage taker na si dismissed Senior Inspector Rolando Del Rosario Mendoza.

Bandang alas-diyes ng umaga ng magsimula ang hostage taking sa Hong Thai Travel Tourist Bus sa Luneta.

Sakay ng naturang bus ang dalawampu’t dalawang (22) pasahero kung saan 3 pinoy at mga hongkong nationals ang sakay, kabilang ang ilang bata na nagtungo sa bansa upang mag-tour.

Mga 10:30 ng umaga nang dalawang bihag ang inisyal na pinalaya ni Mendoza na kinilalang si Diana Chan at isang matandang babae na kung saan ay mabilis na nakapagsuplong sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Kung saan ay agad namang rumesponde ang mga pulis-Maynila at agad pinaligiran ang bus na pabalagbag na ipinarada as harap ng Quirino Grandstand.

Matapos ang may sampung oras na hostage-taking umaabot lamang sa siyam na hostages ang pinalaya kabilang ang tatlong pinoy at anim na hongkong nationals.

Ilan sa mga pinalaya ay sina: Tsang Yee Lai, 40 years old, anak na sina; Fu Chang Yin, 4 na taon at Fu Chak Yin, 10 taong gulang, kasama ang kaibigang si Wong Ching Yat Jason, 11 years old.

(Reported: Aug. 24, 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment