Ang pagkakasibak kay Senior Inspector Rolando Mendoza ay resulta ng hatol ng ombudsman na nagsasabing guilty ito at apat na isa pang kapwa pulis sa kasong extortion o pangingikil sa inarestong lalaki na pinakain ng mga ito ng shabu.
Tumayong negosyador sina Supt. Orlando Yebra at Chief Inspector Romeo Salvador sa nasabing hostage taking.
Unang itinakda ang deadline ng negosasyon sa ganap na alas-tres ng hapon, nagbaba ng direktiba si Manila Mayor Alfredo Lim kay Manila Police district (MPD) Director Chief Inspector Erwin Margarejo na resolbahin sa mapayapang paraan ang hostage drama.
Bandang 1:30 ng hapon naman pinalaya ang 73 anyos na nagngangalang Mr. Lee na sinundan ng isa pang bihag na si Rigor Cruz.
Bandang alas-tres ng hapon, pinalawig ang 3’oclock deadline nang 30 minuto. Dumating ang misis ng hostage-taker na si Aurora at kapatid na si SPO4 Florencio Mendoza ng Traffic Enforcement Unit.
Kasabay ng pagpapalawig sa deadline ay pinaligiran ng SWAT o Special Weapons & Tactics personnel ang bus, paghahanda ito sa anumang mangyayari kung saan ay option na ang Rescue & Assault operations.
Ayon sa kapatid ni Mendoza, gusto munang makita nito na baguhin ang order ng ombudsman bago tapusin ang hostage taking.
Napasugod na rin sa Quirino Grandstand kahapon sa hostage scene si Foreign Affairs Undersecretary Esteban Cornejos kasama ang mga opisyal ng China Embassy upang masigurado ang kaligtasan ng mga bihag na Hongkong Nationals.
Nakipagtulungan na rin ang isa pang kapatid na pulis ng hostage-taker na si SPO2 Gregorio Mendoza,na hinarang naman ng mga naka-posisyong pulis matapos magtangkang lumapit sa bus nang armado, para kausapin ang kapatid.
Bandang alas-kwatro kahapon, dumating si Broadcaster Erwin Tulfo matapos humiling ng media representative ang hostage-taker bilang negosyador. Isa din si Mike Enriquez ng GMA-7, ngunit hindi pumayag ang pulisya sa pangambang malagay sa panganib ang buhay ng papasok na Mediaman.
Mga 4:25 naman ng hapon ng isa pang pinoy hostage na kinilalang si Danilo Medril ang pinalaya, ayon dito may labing pito pang hostage ang nasa loob ng bus, kasama ang Filipino driver.
Nagpadala din ng telepono ang mga awtoridad kay Mendoza upang magsilbing communication line.
Hiniling din ni Mendoza na sunduin ng helicopter ng Philippine Air Force ang kanyang anak na pulis sa Abra, ngunit tinanggihan ito ng PAF bandang alas-sais.
(Reported: Aug. 24, 2010) DZLT

No comments:
Post a Comment