Ang kidney problem o sakit sa bato ay pansampu sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas. Ito ay mapanganib sa kalusugan at buhay ng tao, kung hindi ito matutuklasan ng maaga at mabibigyan ng kaukulang lunas.
Ang sakit sa bato ay maaaring walang makitang sintomas o palatandaan lalo na kung nasa early stage pa lamang ito. Maaari lamang malaman ito kung magpapaeksamin ng ihi o magpapasuri sa doctor.
Kapag hindi agad naagapan o hindi agad nalaman ng isang tao na siya ay may sakit sa bato, maaari itong lumala at mauwi sa estado na di na maibabalik sa normal na kondisyon ng mga bato, katulad ng END-Stage Renal Disease o ESRD.
Narito ang ilan sa mga sakit sa bato at ang mga palatandaan o sintomas nito:
1. URINARY TRACT INFECTION O UTI, ito ay ang impeksyon o pamamaga ng daluyan ng ihi. Ito ay kondisyon ng pagdami ng mga organismo o mikrobyo sa bato, sa ureter at sa pantog.
Ito ay maaaring upper urinary tract infection o lower urinary tract infection.
Ang UPPER URINARY TRACT INFECTION ay tinatawag ding Pye-lone-phritis (Pyelonephritis) o impeksyon sa bato kung saan ang sintomas o palatandaan ay nilalagnat, giniginaw, nagsusuka, pagsakit ng tiyan o tagiliran, at pag-init ng katawan kapag umiihi. Samantalang ang LOWER URINARY TRACT INFECTION na tinatawag ding Cystitis o impeksyon sa pantog ay makakaranas ng sakit sa ilalim ng puson bago umihi.
2. Ang ikalawa naman ay ang glome-ru-lonephritis(GLOMERULONEPHRITIS)ito’y sakit sa bato na namamaga ang mga maliliit na ugat sa Nephrons o ”blood filters”, Kalimitang nagkakasakit nito ay mga bata. Ang maaaring pagsimulan nito ay tonsillitis,pharyngitis o impeksyon sa balat. Ang sintomas nito ay ang pamamanas, altapresyon, pamumula ng ihi kulay tsaa o “coke” na ihi at pagdalang ng ihi.
3. Ang ika-3 naman ay ang Nephrosis o Nephrotic Syndrome, ito’y kondisyon na nagkakaroon ng sobrang protina ang ihi at sobrang pamamanas ng katawan, tulad ng pamamanas ng talukap ng mga mata, mukha, mga binti at paa, pisngi, tiyan at ihi na mabula.
4. Ipang-apat na sakit sa bato ay ang Renal Calculi, ito ay kondisyon na nagkakaroon ng bato (stone) sa bato (kidney),sintomas nito ay ang masakit ang pag-ihi, may dugo na ang ihi at paulit-ulit na sakit sa may tagiliran.
5. At panghuli ay Renal Failure, ang palatandaan nito ay ang pagkahilo, pagsakit ng ulo, pagsusuka, hindi makatulog, pagkawala ng malay tao, pamumutla, pagkonti ng ihi, pamamanas, hirap huminga, pag-itim at pangangati ng balat.
(Reported: Oct. 9, 2010) DZLT
Ung papa kopo. Lumalaki po ang tiyAn niYa atskA po lagi syAng hilo mAnAs nArin mgA pAa niA sv po ng doctor sakit po sa pantog.mAlulunAsan po bA kAagAd Ang sakit nAyon
ReplyDeleteUng papa kopo. Lumalaki po ang tiyAn niYa atskA po lagi syAng hilo mAnAs nArin mgA pAa niA sv po ng doctor sakit po sa pantog.mAlulunAsan po bA kAagAd Ang sakit nAyon
ReplyDelete