SA DALAWANG MALL NG LUCENA CITY PARTIKULAR NA ANG SM CITY LUCENA AT METRO GAISANO-PACIFIC MALL NARIYAN MAKIKITA ANG MGA TERMINAL PARTIKULAR NA ANG VAN TERMINAL.
ANG ILAN SA MGA PASAHERO AY MAS PINIPILING SA VAN SUMAKAY DAHIL MABILIS UMANO ITO. NGUNIT ILAN DIN SA ATING MGA KABABAYAN ANG NANGANGAMBA LALO NA ANG MGA SUMASAKAY O NAGHIHINTAY NG MASASAKYAN SA MGA GILID NG KALSADA, DAHIL UMANO ANG ILAN SA MGA VAN AY WALA MAN LANG TATAK NA PAGKAKAKILANLAN. DI BALE UMANO KUNG SA TERMINAL NG VAN SILA MAKAKASAKAY, NGUNIT PAANO KUNG NASA KALSADA NA UMANO SILA MAG-IINTAY?
KAYA PANAWAGAN NG ISA NATING NAKAPANAYAM NA COMMUTERS SANA NAMAN AY MAGAWAN NG KAUKULANG AKSYON O PANSIN NG MGA NANGANGASIWA O NG MGA KINAUUKULAN ANG MALAGYAN MAN LANG NG TATAK O PAGKAKAKILANLAN ANG MGA VAN NA OTORISADO NA BUMAMYAHE O MAGHATID NG MGA PASAHERO GALING AT PATUNGO SA MGA NASABING MALLS O LOKASYON.
KUNG ITO’Y NABYAHE GALING SA MGA MALLS DAPAT UMANO AY NAKALAGAY MAN LANG O NAKASULAT ITO KAHIT SA HARAPAN NG VAN.
PINANGANGAMBAHAN KASI ANG MGA NATIGIL O NAPARA NA VAN SA MGA PASAHERO, PARTIKULAR NA SA MGA ISTUDYANTENG GINAGABI TULAD NA LANG NG MGA NURSING STUDENT NA MINSA’Y GINAGABI NA NG PAG-UWI. SANA NAMAN AY MABIGYAN AGAD NG PANSIN ANG NASABING BAGAY BAGO PA MAN MAY MGA GUMAMIT NA MGA KAWATAN NG GANITONG STYLE NG TIGIL VAN.
(Reported: Nov. 4, 2010) DZLT
No comments:
Post a Comment