Thursday, November 4, 2010

AGRI-AQUA TRADE FAIR 2010

Kahapon nagsimula na ang isa pang proyekto ng local government, ang “Agri-Aqua trade fair 2010”. Ang palatuntunan ay may paksang: Sa Pagkaing Organiko Kalusugan mo’y Segurado.

Kahapon ng umaga ay sinimulan na ang pag-aayos sa iba’t ibang booth ng iba’t ibang bayan ng Quezon, kung saan ito’y dinaluhan ng Gob. ng Quezon na si Gob. David “Jayjay” Suarez, binisita rin niya ang bawat booth.

Ang nasabing “Agri-Aqua Trade Fair 2010” ay ginaganap sa Perez Park sa Lunsod ng Lucena.

Iba’t ibang bayan ang nakilahok, ang kanya-kanyang produkto mula sa kanilang mga bayan ang tampok at naging palamuti sa kani-kanilang booth, ilan sa mga makikita ay ang booth ng: QPYPAAA – na may mga oregano products tulad ng: Oregano wine, oregano juice, oregano vinegar, oregano tea, oregano soap at colon detox.

PATNANUNGAN – shell products
UNISAN – unisan delegates
GUINYANGAN – vegetables
GUMACA – tikoy and chips
LOPEZ – Native Products
TAGKAWAYAN –kakanin and tinapang bangus
TIAONG – luntian meat products
SAN NARCISO – sugpo
SAN FRANCISCO - saba, walis, manok
MACALELON – organikong pataba
GEN. LUNA – gulay at tuyo
BUENAVISTA – rapia (Buri Fiber)
CATANAUAN – carica products
SARIAYA – malunggay o moringa products
SAN ANTONIO - gulay at prutas
LUCENA CITY – smoked fish tapa
CANDELARIA – kakanin and chicharon
DOLORES – rambutan and ginger products
TAYABAS – suka, fruits and veggie
SAMPALOC – native bag and coco candy
REAL – coconut display products
PAGBILAO – kakanin and gulay
GEN. NAKAR – saba and lobster
MAUBAN – pineapple wine and vermi culture (uod)
INFANTA – suman, alimango at sinantulan


Sa loob ng Cave o Kweba sa Perez Park makikita ang “Agua-culture exhibit”, nasa aquarium ang mga isda tulad ng: Bangus Fingerlings, Lapu-lapu at Ulang (giant prawn).

Sa gilid ng kapitolyo naman malapit sa park ay makikita ang M.C bote health care na may libreng patak, wooden flute at mga halaman:


PILO PENRON – P350.00
ZAMYO “Welcome Plant” – P100.00
SANSEBYERYA – P500.00
MINI ANTORIUM – P150-P250.00
BROMILIAN – P350.00
ORCHIDS (palenopsis) – P250.00
DOñA AURORA – P150.00
DOñA EVA – P500.00


Ayon sa Gob. David “Jayjay” Suarez, bibigyang kaalaman ang mga magsasaka tungkol sa global warming at ipinanukala din niya na mabigyang scholarship ang mga anak ng mga magsasaka, na kung saan ay nasa trabaho na ng 4:00 ng madaling araw.

(Reported: Aug. 19, 2010) DZLT



No comments:

Post a Comment