Tradisyon na sa pamilyang Pilipino ang paghahanda ng masasarap na pagkain lalo na kapag may mga okasyon. Karaniwang laman ng mesa ay mga lutong karne na mahirap tunawin.
Kaya kung naparami ang pagkain nito, natural lang na dumanas ng "indigestion." Ito ang nagiging dahilan ng pangangasim ng sikmura, kabag, at pananakit ng tiyan.
Ang sagot dito ay ang healing diet ni Ernie Baron na makapagbibigay-lunas sa ganitong kalagayan.
Ang pagkain ng papaya ay nagpapalambot sa mga kinaing karne dahil ito ay nagtataglay ng "digestive enzyme" na "papain." Ang papain ay mabisang meat tenderizer.
Ang pipino o cucumber naman ay may enzyme na "erepsin." Ito ay may kakayahang tumunaw ng karne tulad din ng papain ng papaya.
Nagtataglay naman ang pinya ng "bromelain" enzyme na mabisa rin sa pagtunaw ng karne.
Natuklasan naman ng mga siyentipikong Hapones na ang luya o ginger ay nagtataglay ng "protease" enzyme na nagpapalambot sa karne.
Mainam na isahog ang ginayat na luya sa mga nilulutong karne bilang meat tenderizer.
Para naman sa mga may constipation, makabubuting magkakain ng sariwang prutas at gulay dahil mayaman ito sa fiber.
Ang fiber sa pagkain ay nagpapasigla ng "peristaltic movement" ng bituka para mabilis ang paglabas ng dumi sa katawan.
Mainam din kumain ng mga sumusunod na prutas:
Suha
Langka
Oranges
Duhat
Ubas
Mansanas
Melon
Pakwan
Avocado
Saging
Mangga
Sa mga gulay naman, mabuting kainin ang :
Letsugas
Repolyo
Singkamas
Carrots
Patatas
Kamote
Kinchay
Kamatis
Sibuyas
Repolyo
Samantala, sinasabing ang katas ng repolyong hilaw nagtataglay ng Vitamin U na mainam na gamot sa ulcer.
Kung ang pagsakit naman ng tiyan ay bunga ng mikrobyo o impeksyon, makabubuting uminom ng isang kutsarang "garlic with honey" matapos kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan bilang natural antibiotic.
(Reported: Oct. 27, 2010) DZLT
No comments:
Post a Comment