Thursday, November 4, 2010

3 DRIVER NG TRUCK AT 2 HELPER ARESTADO

Nasabat ng PNP Tayabas ang mga coco lumber na diumano’y galing sa Mauban Quezon, kabilang na ang 3 driver ng truck at 2 helper. Ang mga suspek na driver ay kinilalang sina: Ronaldo Villamarzo Bauzon, 31 years old, residente ng Brgy. Daungan, Mauban, Quezon, Allan Peñamante Baylon, 36 years old, residente ng #19 Quezon St, Mauban Quezon, Angelito Talimonga Lorenzo 43 years old ng Bilibago, Claveria, Cagayan at 2 truck helper na sina Philip Astoveza Revillame, 18 years old ng Brhy. Polo, Mauban Quezon at Manuelito Marasigan Porol 30 years old ng Brgy. Spang Polo, Mauban Quezon.

Ayon sa report alas-9:30 ng gabi noong araw ng biyernes oct. 1 ng makatanggap ng impormasyon ang PNP Tayabas mula kay Provincial Manager, Mr. Ronnie Rosales ng Philippine Coconut Authority, na diumano’y may 3 trak na may plate number na RDJ-387, RAY-355 at RDA-907 ang may karga ng coconut lumber, na diumano’y galing sa Mauban, Quezon.

Agad namang rumesponde ang PNP Tayabas sa pangunguna ni Police Inspector Allen Rae Co, kung saan nagsagawa ng checkpoint sa Brgy. Mateuna, kung saan nahuli ang nasabing mga trak.

Ang Izusu truck na minamaneho ni Ronaldo Villamarzo Bauzon ay may kargang humigit kumulang na six thousand BD ft (6,000 BD FT), Izusu Ten Wheeler Truck na may plate number na RAY-355 na minamaneho ni Allan Peñamante Baylon ay may kargang humigit kumulang na twelve thousand BD FT (12,000 BD FT) ng coconut lumber at ang Trailer truck namang may tractor head number na RDA-907 at Trailer Plate number BUE-963 na minamaneho naman ni Angelito Talimonga Lorenzo ay may kargang unestimated volume ng coconut lumber kasama ang mga kopya ng mga kwestyonableng mga permits at papeles.

Dagdag pa dito ang nasabing mga coconut lumber ay pag-aari ng isang Marissa Basilio ng brgy. Tokitok, Sanchez Mira, Cagayan, ang mga nasabing sasakyan ay dinala sa Police Station para sa masusing imbestigasyon at ite-turned over sa Philippine Coconut Authority, Lucena City para sa tamang disposition.

(Reported: Oct. 5, 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment