Tuesday, November 30, 2010

PISO PA RIN

TUMATAAS NA NGA ANG MGA BILIHIN NGAYONG KAPASKUHAN, KABILANG NA ANG PRESYO NG TINAPAY.

GAYUNPAMAN TINIYAK PA RIN NG PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERS ASSOCIATION-INC O PFBAI NA HINDI TATAAS ANG PRESYO NG PINOY TASTY BREAD, NGAYONG PANAHON NG KAPASKUHAN HANGGANG MATAPOS ANG TAON.

ISANG PANDESAL VENDOR NA SAKAY SA KANYANG BISIKLETA NA LUMILIBOT DITO SA MGA BARANGGAY SA POBLACION NG LUCENA ANG NAKAPANAYAM AT HININGAN NATIN NG OPINYON, TUNGKOL SA USAPIN SA PAGTAAS NG PRESYO NG TINAPAY.

AYON SA KANYA HINDI DAPAT UMANO MABAHALA ANG MGA CONSUMERS, SAPAGKAT PISO PA RIN KADA ISANG PANDESAL ANG PRESYO NG KANYANG ITINITINDA, NGUNIT HINDI NA ITO KASING LAKI NG DATI, SAPAGKAT TUMAAS NA RIN ANG PRESYO NG INGREDIENTS NG TINAPAY.

MAS MAINAM NA UMANONG BAWASAN NALANG NILA ANG LAKI NG TINAPAY AT PANATILIHIN ANG HALAGANG PISO KADA PANDESAL UPANG HINDI UMARAY SA PAGTAAS NG PRESYO ANG MGA MAMIMILI.

(Reported: Nov. 27. 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment