Ang Tipus o Typhoid Fever ay nakukuha sa bakteryang “Salmonella Typhi”
Ito ay nakukuha sa kontaminadong pagkain at inuming-tubig, ilan sa mga palatandaan ng Typhoid Fever ay ang mataas na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina, kawalang gana sa pagkain at pagtatae o pagtitibi okaya ay “abdominal discomfort”.
Upang makaiwas sa ganitong sakit narito ang ilang health tips:
Pakuluan ang inuming-tubig at hayaang kumulo ito ng 3 minuto kung hindi tiyak na ligtas ang pinagkunan nito
Lutuin ng husto ang pagkain at laging takpan upang hindi dapuan ng mga langaw na nagdudulot ng sakit
Hugasang mabuti ang lahat ng prutas at gulay na kinakain na hilaw
Iwasang kumain ng mga pagkaing tinitinda sa mga bangketa kung hindi sigurado ang kalinisan ng mga ito
Gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay pagkatapos gumamit ng palikuran at bago kumain
Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng langaw
Kung inaakalang may “typhoid fever”, dalhin ang pasyente sa pinaka malapit na health center o ospital
(Reported: Oct. 7, 2010) DZLT

No comments:
Post a Comment