Thursday, November 4, 2010

STD NAKAKAALARMA NA

Umiinit na rin ang usapin sa nakakaalarmang paglaganap ng sakit na Sexually Transmitted Disease o STD sa Lunsod ng Lucena City.

Ayon sa ilang miyembro ng Sangguniang Panglunsod, ngayon ay high-tech na sa Lucena City, Ayon kay Konsehal Rey Oliver Alejandrino, kung dati rati noong dekada otsenta at nobenta, ang mga fly by night girl ay nakikita lamang pag pasado als-onse o alas-diyes ng gabi pataas, ngayon alas otso pa lang ng gabi naglipana na ang mga ito.

Ipinayo sa Probilehiyong talumpati ni konsehal Amer Lacerna, ano nga ba raw ang tunay na kalalagayan ng Lucena City kung ang pag-uusapan ay ang pinangangambahang STD o Sexually Transmitted Disease, may agam agam ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod particular si Lacerna, kaugnay sa mga ulat ng kaso ng STD dito sa highly urbanized na Lunsod ng Lucena.

Dagdag pa dito, ang may dala ng sakit na STD ay ang mga dayo dito sa Lunsod ng Lucena at nagsisimula o nanggagaling sa tinatawag na fly by night girl.

Sa susunod na isasagawang sesyon sa Lunes, Oct 4, inaasahan makadadalo sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlunsod ang mga opisyal mula sa City Health dept. si Dr. Wilfredo Prandoza, sa PNP si Police Supt. Orpanel, DSWD, at maging sa Bus. Permit and Licensing Division Atom Ang, para alamin ang tunay na sitwasyon at kung paano malilimitahan ang pinangangambahang pagkakaroon o paglaganap ng mga kaso ng STD sa Lucena City.

(Reported: Sept. 29, 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment