Thursday, November 4, 2010

POLICE REPORT

Kamakailan ay naganap ang isang insidente ng pagnanakaw sa San Pablo City. Ayon sa report bandang ika-labing isa at kalahati ng umaga ng lunes nang pwersahang pasukin ang LEN-AN Telecom and General Merchandise sa San Pablo City, na pagmamay-ari ni Lenra Gurango Balquedra, 39 years old, may asawa at isang businesswoman at resident ng Capistrano Subd. Brgy. Gulang-gulang, Lucena City.

Ayon dito pwersahang pinasok ng isa sa kanyang mga distributor ang kanyang e-load card distributor center sa San Pablo City , kinilala ang suspek na si Roger Militante Mitra, 35 years old, may asawa at tubong Puerto Princesa, Palawan at pansamantalang naninirahan sa brgy. 11, Lucena City.

Natangay umano nito ang ilang mga e-load cards. Ang imbestigasyon ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Fernando C. Reyes III, upang ma-verify ang serial# ng mga e-load card na nakalista sa Master Files.

Nahuli o naaresto ang suspek na agad na nakapunta sa kabilang branch sa SM City Lucena, kasama ang mga ninakaw nito, na tinatayang nagkakahalaga ng P11,964.00.

(Reported: Sept. 9, 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment