Sa ginanap na medical misyon noong Aug. 17, 2010, ipinakita ng local government ang kanilang simpatya sa mga inmates o bilanggo ng Quezon Provincial Jail, kung saan ito’y pinangunahan ng Gob. David “Jayjay” Suarez at sa tulong ng QMH o Quezon Memorial Hospital doctors, nurses at staff .
Ang nasabing programa ay may temang “Damayan ng Sambayanan sa Pagtulong at Pagkalinga ng mga Detinado daan sa kanilang Pagbabago”. Ang nasabing tema ay patungkol sa pagkalinga ng mga bilanggo.
Ang Quezon Provincial Jail ay binubuo ng 14 o labing apat na selda, 2 para sa kababaihan at ang nalalabi ay para sa kalalakihan. Ngayon sila ay halos 1,060 na lampas na sa dami ng limang daan, kung saan nagiging sanhi ng pagsisiksikan at pinagsisimulan ng maraming sakit tulad ng pamamanas, sipon, ubo, pigsa at sakit sa baga at kung minsan ay nagiging sanhi ng kamatayan.
Ayon sa Provincial Warden dinadala ang mga inmates tuwing huwebes at martes sa Panlalawigang Hospital, ngunit hindi lahat ng inmates o bilanggo ay napapatingnan sapagkat ang prioridad nila ay ang mga may sakit upang lubusang matingnan at malaman ang lagay ng kanilang kalusugan.
Dahil sa mga balita mula sa Provincial Jail, ipinanukala ng Gob. David “Jayjay” Suarez na baguhin ang tradisyunal na kinagawian tuwing Quezon Day. Narito ang pahayag ni Gob. (via recorder)
Isang executive order din ang pagbubuo ng isang task force ang ipinanukala.
Dahil sa kaso ng over congestion sa Provincial Jail, pinag-aaralan na din ang paglilipat ng inmates o bilanggo sa mga kulungan malapit sa kanilang probinsiya kung saan ay hindi na kailangan magtungo ng kanilang pamilya sa Provincial Jail at gumastos pa ng pamasahe.
Ganun din magkakaroon ng task force para malaman pa ang iba pang madaling paraan upang maresolba ang kaso ng mga bilanggo.

(Reported: Aug. 18, 2010) DZLT
No comments:
Post a Comment