Thursday, November 11, 2010

MGA MAMAMAYAN PINAG-IINGAT

KUNG SA NAKARAANG UNDAS AY MAY MGA INSIDENTE NG PAMAMASOK NG BAHAY AT PANDURUKOT SA MGA MATATAONG LUGAR, NGAYON NAMAN NA PAPALAPIT NA ANG ARAW NG KAPASKUHAN AY ITO PA RIN ANG IPINAPANGAMBA .

AYON SA ISANG GINANG NA AKING NAKAPANAYAM, KUNG NOONG NAKARAANG UNDAS AY HINDI PINALAMPAS NG MGA KAWATAN, NGAYON PA KAYANG KAPASKUHAN NA ALAM NA ALAM NILANG BIGAYAN NA NG BONUS SILA AY IMPOSIBLENG HINDI MAMBIBIKTIMA.

KUNG KAYA NAMAN HUMIHINGI NG SEGURIDAD ANG ATING MGA KABABAYAN KUNG SAAN ALAM NAMAN NATIN NA DADAGSA NGAYON ANG MGA MASASAMANG LOOB.

PAALALA NAMAN NG ATING KAPULISAN, DISYEMBRE NA NAMAN, ITO ANG PAGTAAS DIN NG KASO NG NAKAWAN, KUNG KAYA’T IBAYONG PAG-IINGAT SA ATING PAGLABAS SA MATAO MAN O SA WALANG TAONG LUGAR.

KUNG MAGWI-WITHDRAW LALO’T SA MGA ATM NA WALANG SARADO ANG PALIGID O YUNG MGA NASA LABAS, MAINAM NA DAPAT MAY KASAMA AT WAG MAG-IISA LALO NA AT MADILIM SA DAKONG IYON.

MAINAM DIN NA HUWAG MASYADONG MAGLABAS O KAYA NAMAN AY MAGHALUNGKAT NG BAG NA MAY CASH SA MATATAONG LUGAR SAPAGKAT MAINIT ITO SA MGA MATA NG MGA KAWATAN.

IWASAN RIN ANG MAGSUOT NG MARARAMI AT MAKIKINANG NA ALAHAS LALO NA KUNG MAKIKIPAGSIKSIKAN SA MGA MATATAONG LUGAR.

MAGING MAPANURI RIN SA PALIGID LALO NA SA MGA MALLS, BAKA KAYO’Y MABIKTIMA NG LASLAS GANG, O YUNG MGA NAGLALASLAS NG BAG.

NGAYON NAMAN AY UMAALERTO NA ANG ATING MGA KAPULISAN SA DARATING NA KAPASKUHAN. NGUNIT PAKI-USAP NG ILANG MGA LUCENAHIN, SANA’Y HINDI LAMANG SA MATATAO MAG BANTAY O MAGPATROL ANG MGA PULIS PATI NA RIN SANA SA MGA MADIDILIM NA KALYE, PARTIKULAR NA ANG BAHAGI NA PAPUNTA SA PEREZ PARK, KUNG SAAN NANDON ANG MGA BANKO, AT ANG ILANG ATM, AY NASA LABAS.

(Reported: Nov. 11, 2010)DZLT

No comments:

Post a Comment