Thursday, November 4, 2010

MENDOZA NANG-HOSTAGE

Kahapon, ika-23 ng Agosto naganap ang isang hostage taking sa Quirino Grandstand, Maynila.

Kinilala ang hostage-taker na si dating Sr. Inspector Rolando Del Rosario Mendoza, dating nakatalaga sa district mobile Police unit ng MPD.

Ayon sa pahayag ng isang pinalayang hostage, bandang alas-10 ng umaga kahapon ng nakisabay si Mendoza suot ang isang camouflage o full battle gear at armado ng mahaba (M16 rifle) at maiksing baril sa Hong Thai Travel Tourist Bus na may plakang DUU799, habang sila ay papaalis ng Fort Santiago, Intramuros.

Ang bus ay may lulang dalawampu’t dalawang (22) pasahero, kabilang dito ang 3 Pilipino: Isang driver na nagngangalang Alberto Lubang, isang Photographer na si Danilo Medril, 64 years old at Rigor Cruz 19 years old na isang trainee photographer. Pagsapit umano sa Luneta ay nagdeklara na umano si Mendoza ng hostage.

Inilatag ni Mendoza ang kanyang demand sa pamamagitan ng pagdikit ng kartolina sa harapang salamin o windshield ng bus.

Ilan sa mga hinaing ni Mendoza ay agapang pagpapalabas ng resolusyon ng ombudsman sa kanyang apela sa desisyon nito sa kasong extortion at ikalawa ang pag-amiyenda sa dismissal order at maibalik siya sa serbisyo.

Tumatayong negosyador sina Supt. Orlando Yebra at Chief Inspector Romeo Salvador.

(Reported: Aug. 24, 2010) DZLT

No comments:

Post a Comment